Mga Kapatid, muling nakalipas ang
isang taon sa ating buhay. Isang taon na punong-puno ng mga pangyayaring nakaantig sa ating mga buhay, nagbigay ng
kasiyahan, mga sitwasyon na kung saan na masasabing isa sa pinaka-magandang
nagyari sa atin ngayong taon. Kaakibat nito, nakaranas din tayo ng kalamidad,
kahirapan lalong lalo na ang kapighatian.
Bago matapos ang taon, nagkaroon ng
lindol sa gawing kabisayaan. Matapos lamang ng ilang panahon, sinundan ito ng
pinakamalakas na bagyo na puminsala sa gawing Visayas at Mindanao. Hindi lang dito
ngunit pati na rin sa ibayong dagat. Nagdulot ito ng malaking bilang ng mga
nasawi at nasirang ari-arian at mga kagamitan.
Hindi lingid sa kaalaman natin na
ito ang senyales na malapit ng dumating ang pinaka-hihintay nating mga kaanib
sa Iglesia Ni Cristo. Malapit na ang “ARAW NG PAGHUHUKOM”, ang Ikalawang
pagparito ng Bugtong na Anak ng Ating Ama, ang Kaniyang Anak, ang ating Panginoong
Jesu-Cristo. Nalalapit na ang ating kaligtasan,
ang BUHAY na WALANG-HANGGAN.
Nagdanas man tayo ng matinding
kahirapan sa buhay, naghanda tayo ng bukal sa ating mga puso ng mga gawang
PAGPAPASALAMAT dahil sa tinulungan nya tayong makatawid sa kabila ng pasakit na
dumating sa ating buhay. Tayo ay nagbukod at nagsimpan ng mga biyayang sya din
ang nagbigay sa atin.
Alam nating lahat na wala tayong
maitutumbas sa Kanyan mga pagpapala sa atin. Sa Kanyang ginawang kabutihan. Sa
tutuusin nga, tayo ay walang maipapalit at maigaganti sa lahat lahat ng magandang
nangyari sa ating buhay. Inilayo tayo sa kapahamakan at masamang kaway ng
sanlibutan.
Panibagong taon ang ating tatahakin.
Bagong taon ng pakikipag-baka, taong ng paglalakbay. Kasabay ng taong ito ang
kaarawan natin, ang kaarawan ng lahat ng kapatid sa buong daigdig, KAARAWAN NG
IGLESIA NI CRISTO. ISANG DAANG TAON NG MABUTING PAKIKIBAKA, salamat at pinatnubayan tayo ng Ama, inihatid
nya tayo sa pagkakataong ito. Sa kabila ng matinding pag-uusig ay
naipagtagumpay natin ang ating pananampalataya.
Walang naging hadlang upang ipagpatuloy ang daan na itinuro ng
Panginoon.
Ipangako natin sa ating Ama at sa
ating Panginoong Jesu-Crito na tayo’y
maninidigan sa ating kahalalan. Ipakikipaglaban natin ang ating Pananampalataya
hanggang sa magpantay ang ating mga paa. Salamat po Panginoong Jesu-Cristo kami
nananatili sa loob ng Iyong Iglesia. Ang Iglesia Ni Cristo na binili ng Iyong
sariling dugo. Salamat po Ama, kaming hinirang ay Mahal mo pa.
No comments:
Post a Comment