Monday, April 22, 2013

George M. Lamsa's Acts 20:28


MADALAS na tinutuligsa ang INC sa paggamit ng Gawa 20:28 ng George Lamsa Translationat sinasabi nila na kaya daw ito ang madalas naming gamitin ay sapagkat natapat lang daw sa aming paniniwala, at doktrina.

Ganito ang mababasa sa nasabing talata:

Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.” (Lamsa Translation)

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang pagkakasalin daw ni LAMSA sa talatang ito ay MALI, dapat daw ang nakalagay dito imbes na IGLESIA NI CRISTO ay IGLESIA NG DIYOS. Dahil hindi daw ito ang nakalagay saBibliang Griego. Ang nakalagay daw kasi ay ganito:

Acts 20:28  “προσεχετε ουν ‘εαυτοις και παντι τω ποιμνιω εν ‘ω ‘υμας το πνευμα το ‘αγιον εθετο επισκοπους ποιμαινειν την εκκλησιαν του θεου ‘ην περιεποιησατο δια του ιδιου ‘αιματος”  [Textus Receptus]

Pagbigkas:

“prosekhete oun heautois kai panti tō poimniō en hō humas to pneuma to hagion etheto episkopous poimainein tēn EKKLĒSIAN TOU THEOU hēn periepoiēsato dia tou idiou haimatos.”

Kung CHURCH OF CHRIST daw ang nakalagay dapat daw ay:

εκκλησιαν του χριστου”  “EKKLĒSIAN TOU KRISTOU”

Sapagkat ang nakalagay nga naman sa Bibliang Greek na ito ay:

“εκκλησιαν του θεου”  o  EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Na sa English ay “CHURCH OF GOD”, Kaya ang INC daw ay nagbabatay sa isang MALING SALIN ng Gawa 20:28.

At sapaglat maraming Biblia, ang nagbatay ng kanilang salin mula sa Bibliang Griegong ito gaya ng KING JAMES VERSION, ay inakala na ng marami na ito ang tumpak na salin ng talata:

Acts 20:28  “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [KJV]

Ang hindi alam ng marami, sa wikang Griego ang Gawa 20:28, ay mayroon pang isang version, na ganito naman ang nakalagay:

Acts 20:28  “προσέχετε αυτος κα παντ τ ποιμνίῳν  μς τ πνεμα τγιον θετο πισκόπους, ποιμαίνειν τν κκλησίαν το κυρίουν περιεποιήσατο δι το αματος το δίου.” (Tischendorf Greek New Testament)

Dito sa Bibliang ito imbes na “IGLESIA NG DIYOS” na sa Greek nga ay:

“εκκλησιαν του θεου”  o  EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Ang nakalagay dito ay:

“ἐκκλησίαν το κυρίου” EKKLĒSIAN TOU KURIOU”

O sa English “CHURCH OF THE LORD” na siya namang pinagbatayan ng Bibliang ito:

Acts 20:28  “Take heed unto yourselves, and to all the flock, in which the Holy Spirit hath made you bishops, to feed the CHURCH OF THE LORD which he purchased with his own blood.”  [American Standard Version]

At maging ng ating PINAKA-LUMANG BIBLIANG TAGALOG – ANG BIBLIA:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” [Ang Biblia, 1905]

Dito pa lamang ay kitang-kita na natin na sa Bibliang Greek ay may DALAWANG VERSIONang Gawa 20:28Sapagkat hindi nalalaman ng marami na kung papaanong maraming version ang mga Bibliang English at Tagalog ay gayon din ang Bibliang Greek.

At walang sinoman na makapagpapatunay na ang IGLESIA NG DIYOS ang pinaka-tumpak na salin ng Gawa 20:28, sapagkat ang manuskritong orihinal na isinulat ng aktual ng mga Apostol ay hindi na po umiiral. Ang natitirang mga manuskrito ay mga kopya ng mga kopya na lamang ng aktuwal na isinulat ng mga Apostol.

Ang ipinaglalaban nilang salin kung saan nakalagay ang mga katagang “IGLESIA NG DIYOS”, ay tama kayang salin?

Paano ba malalaman kung ang salin ng isang talata ay tumpak at tama, kahit na hindi na natin makikita pa kailan man ang orihinal na mga manuskritong aktuwal na naisulat ng mga Apostol?

Narito ang sagot sa atin ng Biblia:

1 Corinto 2:12-13  “Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. NA ANG MGA BAGAY NA ITO AY ATIN NAMANG SINASALITA, HINDI SA MGA SALITANG ITINUTURO NG KARUNUNGAN NG TAO, KUNDI SA ITINUTURO NG ESPIRITU; NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

Hindi galing sa karunungan ng tao ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at ang tanging paraan na itinuturo ng Biblia ay ang paraan na itinuturo ng Espiritu Santo, na ang sabi nga ay:

“NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia.

Kaya’t ating suriin ang talata kung saan nakalagay ang mga katagang “IGLESIA NG DIYOS”, ating balikan ang nakalagay sa KING JAMES VERSION:

Acts 20:28  “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [KJV]

Sa Filipino:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”

Mayroon akong nais ipapansin sa inyo mga tagasubaybay, ang bahaging ito ng talata na sinasabi na:

“…upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS NA BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.”

Hindi ba lumalabas sa verse na iyan na ang DIYOS ay may DUGO, at siya ang TUMUBOS o BUMILI sa IGLESIA?


Dito pa lamang ay atin nang natitiyak na may kokontrahin itong ibang talata sa Biblia.

Kaya maaari ninyong itanong dun sa mga taong naniniwala na tama ang verse na nakalagay sa KING JAMES ang ganito:

1.      Naniniwala ba kayo na ang Diyos ay may DUGO?

2.      Sino ba ang tumubos o bumili sa Iglesia, ang Diyos ba o ang Panginoong JesuCristo?

Diyan pa lang mga kaibigan ay mamumrublema na sila, natitiyak ko sa inyo.

Dahil sa dalawang katotohanang ito:


ANG DIYOS AY WALANG DUGO SAPAGKAT SIYA AY “ESPIRITU”

Hindi maaari kailan man na mangyari na maging tama ang nakalagay sa King James Version o iba pang Bible na ganito ito isinalin, dahil lalabas nga na may Dugo ang Diyos na ipinangtubos niya sa Iglesia. At dito magkakaroon ng napakalaking suliranin sa pagpapatunay ang mga kumakalaban sa INC, dahil niliwanag ni Cristo na ang Diyos ay Espiritu:

Juan 4:24  “ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Na ang ibig sabihin ng Espiritu ay:

Lucas 24:39  “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; SAPAGKA'T ANG ISANG ESPIRITU'Y WALANG LAMAN AT MGA BUTO, NA GAYA NG INYONG NAKIKITA NA NASA AKIN.”

Niliwanag  ni Cristo na ang Espiritu ay: WALANG LAMAN AT MGA BUTO na ito nga ang kalagayan ng Diyos sapagkat siya’y Espiritu – siya’y WALANG LAMAN AT BUTO,samakatuwid WALANG DUGO, mahirap naman yatang patunayan na ang bumubuo sa Diyos ay PURO DUGO LANG?


SI CRISTO ANG TUMUBOS SA IGLESIA NG KANIYANG DUGO AT HINDI ANG DIYOS

Kung hindi ang Diyos ang tumubos o bumili sa Iglesia sapagkat wala siyang DUGO, eh sino nga ba may DUGO na ipinakikilala ng Biblia na siya ring tumubos sa IGLESIA? At sa kanino ba binili ng Dugo ang Iglesia?

Apoc 5:8-9  “At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.  At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA.

Ang liwanag ng sabi ng talatang ito:

“…BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA”

Ang kinakausap dito at pinagsasabihan ng mga katagang iyan ay ang CORDERO na siyangBUMILI sa mga tao NG KANIYANG DUGO sa DIYOS, na siyempre naman ang MGA TAOna tinutukoy ay tumutukoy sa mga kaanib ng IGLESIA.

Kaya napakaimposible talaga na ang Diyos ang bibili ng kaniyang dugo sa Iglesia, kasi nga Una, walang dugo ang Diyos, at pangalawa sa kaniya binili ng dugo ang Iglesia.

Eh sino ba iyong Cordero na tinutukoy dito na bumli ng kaniyang dugo sa Diyos ang mga tao na siya ngang Iglesia?

Juan 1:29  “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang tinutukoy na CORDERO na bumili ng kaniyang dugo sa Iglesia sa Diyos ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO, at hindi ang Diyos.

Eh talaga bang si Cristo ay may dugo?

Hebreo 9:13-14  “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:  Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Kaya napakaliwanag na ang tumpak na salin sa Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO at hindi IGLESIA NG DIYOS.
               

ANG DAHILAN NI LAMSA KUNG BAKIT “IGLESIA NI CRISTO” ANG NASA GAWA 20:28 NA ISINALIN NIYA

Naipakita na natin ang katuwiran ng Biblia kung bakit natin pinaniniwalaan na tumpak ang saling IGLESIA NI CRISTO sa Gawa 20:28 at hindi IGLESIA NG DIYOS, ngayon naman ay ating tunghayan ang katuwiran ni LAMSA kung bakit niya isinalin ito bilang CHURCH OF CHRIST o IGLESIA NI CRISTO:

“The Eastern text reads: "the Church Of Christ which he has purchased with his blood.  Jewish Christians could not have used the term “God”, because in their eyes God is spirit, and spirit has no flesh and blood.  It was Jesus of Nazareth who shed his blood on the cross for us, and not God.” [George M. Lamsa, New Testament Commentary, pp. 149 - 150]

Sa Filipino:

“Sabi sa Eastern Text: “ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo. Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.

Napaka-klaro ng dahilan na ang kaniyang dahilan ay tumpak at hindi mapasusubalian, kung bakit niya isinalin na IGLESIA NI CRISTO ang Gawa 20:28 sa halip na IGLESIA NG DIYOS.

Narito ang kaniyang mga dahilan:

1.       “Sabi sa Eastern Text: “ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. 


Ang GAWA 20:28 sa wikang SYRIAC PESHITTA

Ang tinutukoy niyang Eastern Text ay ang Syriac Peshitta Aramaic, na siyang katutubong wika ni Jesus, isang manuskristo sa Wikang Aramaiko, at kaniyang nilinaw na ang nakalagay o nakasulat doon ay CHURCH OF CHRIST-Ang pinagbatayan ng kaniyang saling ito ay hindi ang mga manuskritong Griego kaya mali na ipinang-aatake ng iba, na maling salin daw ito dahil sa hindi nito sinunod ang mga manuskritong Griego, ano naman kaya ang katibayan nila na mali ang manuskritong Aramaiko at hindi dapat pagbatayan? Sa totoo lang walang sino man na makapagpapatunay na hindi authentic ang mga manuskritong ito.

2.       “Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo.”

Totoo ang sinabi niyang ito sapagkat pinatunayan na ito sa atin ng mismong Biblia. Maging ang pangatlong ito:

3.       “Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.”

Ang tatlong napakatitibay na mga dahilang ito ang kanila munang dapat na patunayang hindi totoo, bago nila sabihin na ang pagkakasalin ng Gawa 20:28 ni George M. Lamsa ayMALI…kung kaya hindi maaaring gamitin ng IGLESIA NI CRISTO ito bilang batayan.

No comments:

Post a Comment