Tuesday, April 30, 2013

Pagliligtas ayon sa katwiran ng Diyos


ANG PAGLILIGTAS AYON SA KATUWIRAN NG DIYOS

Ni Leopoldo L. Guevarra



MARAMING KURU-KURO ang ating naririnig kapag ang paksa ng usapan ay kaligtasan ng kaluluwa pagdating ng Araw ng Paghuhukom. May nagsasabi na huwag lang gagawa ng masama o ng kasalanan at magsikap lang na makagawa ng inaakalang mabuti ang sinuman ay ligtas na siya. Sinasabi naman ng iba na sapat nang sampalatayanan ang Panginoong Jesucristo bilang Panginoon at Tagapagligtas upang magtamo sila ng kaligtasan. May mga nagsasabi pa na wala raw kinalaman ang relihiyon para ang tao ay maligtas. Upang malaman natin kung sang-ayon sa Biblia ang iba't-ibang paniniwalang nabanggit ay mahalagang maunawaan muna kung ano ang batas ng Panginoong Diyos na itinakda Niya sa taong nagkasala. May ganitong sinasabi sa Biblia:
"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan" (Deut. 24:16).
Ito ang batas ng Panginoong Diyos sa pagbabayad ng tao sa nagawang kasalananang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. At kung sino ang nagkasala ay siyang dapat magbayad. Kaya, ang sabi: "... bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan". Kahit magulang ay di maaaring magbayad para sa kasalanang nagawa ng anak, at kahit ang anak ay hindi maaaring magbayad para sa kasalanang nagawa ng magulang. Labag sa batas ng Diyos, kung gayon, na iba ang magbayad sa kasalanang nagawa ng isang tao. Ang batas na ito ay hindi nagbago kahit na nang dumating ang panahong Cristiano:
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin" (Roma 6:23).
Ang kamatayang kabayaran ng kasalanan ay hindi lamang ang pagkalagot ng hininga, sapagkat may ikalawang kamatayang itinakda ang Diyos bilang ganap na kabayaran ng kasalanang nagawa ng tao at ito ay sa dagat-dagatang apoy:
"At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy" (Apoc. 20:14).
Samakatuwid, hindi natatapos ang lahat-lahat sa tao pagdating ng kamatayang pagkalagot ng hininga palibhasa'y ang lahat ng mga tao (maliban sa Panginoong Jesucristo) ay nagkasala:
"Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala" (Roma 5:12).
PAGKAKATAON UPANG MALIGTAS
Ang lahat ng tao ay nakatakda sa parusa ng Diyos bilang kabayaran ng kanilang kasalanan. Subalit, dahil sa kagustuhan din ng Panginoong Diyos na ang tao ay huwag mapahamak, isinugo Niya ang Panginoong Jesucristo upang maging Tagapagligtas tulad ng mababasa sa Gawa 5:31:

"Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan."
Sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo, ang taong nakatakda sa parusa ay nagkaroon ng pagkakataon na maligtas. Subalit, bagaman ang Panginoong Jesucristo ay sinugo ng Diyos upang maging Tagapagligtas, ay ipinagpauna na Niya noong naririto pa Siya sa lupa na hindi Niya sisirain ang kautusan o batas ng Panginoong Diyos:
"Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin" (Mat. 5:17).
Lagi nating tatandaan ang batas ng Panginoong Diyos na: "...bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan." Malalabag ng Panginoong Jesucristo ang batas na ito ng Diyos kung pananagutan Niya ang kasalanan ng iba. Kaya, tiyak na mali ang sinasabi ng iba na huwag na lamang gagawa ng masama ay maliligtas na. Sapagkat nagkasala ang tao, hinihingi ng kautusan o batas ng Diyos na ito ay bayaran ng kamatayang hindi lamang pagkalagot ng hininga kundi ng ikalawang kamatayan sa dagat-dagatang apoy. Natitiyak din nating mali ang sinasabi ng iba na sumampalataya lamang sa Panginoong Jesucristo ay maliligtas na, sapagkat, tiniyak ng Panginoong Jesucristo na hindi Niya sisirain ang batas ng Panginoong Diyos sa pagbabayad ng tao sa nagawang kasalanan.

ANG KATUWIRAN SA PAGLILIGTAS
Paano magagawa ng Panginoong Jesucristo ang pagliligtas sa taong nagkasala nang hindi malalabag ang batas ng Diyos? Ang kasagutan ay mababasa natin sa Efeso 2:15:
"Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan."
Ito ang ginawa ng Panginoong Jesucristo para mapanagutan Niya ang kasalanan ng mga taong ililigtas Niya. Nilalang Niya ang dalawa upang maging isang taong bago. Alin ang tinutukoy ni Apostol Pablo na "dalawa" na nilalang ng Panginoong Jesucristo sa Kaniyang sarili na maging isang taong bago? Niliwanag ito ng apostol sa kaniyang sulat sa mga Cristianong taga-Colosas:
"At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia" (Col. 1:18).
Ang dalawa na nilalang ng Panginoong Jesucristo upang maging isang taong bago ay Siya (na lumugar bilang ulo) at ang Iglesia (na ginawa naman Niyang katawan). Kaya, nagawang panagutan ng Panginoong Jesucristo ang kasalanan ng mga taong nasa Kaniyang Iglesia nang hindi labag sa katuwiran ng Diyos, sapagkat Siya ang ulo at tagapanagot nito. Katawan Niya ang Iglesia na Kaniyang pinanagutan. Ano ang pangalan ng tunay na Iglesia na pinangunguluhan ng Panginoong Jesucristo? Ang sagot ay mababasa sa Roma 16:16:
"Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo" (New Pilipino Version).
Maling paniniwala rin ang sinasabi ng iba na hindi na kailangan ang pag-anib sa Iglesia Ni Cristosa ikapagtatamo ng kaligtasan. Tanging sa pamamagitan lamang ng tunay na Iglesia na ginawa ng Panginoong Jesucristo na Kaniyang katawan ay mapananagutan Niya ang kasalanan ng Kaniyang ililigtas nang hindi malalabag ang batas o katuwiran ng Diyos ukol sa pagbabayad ng tao sa nagawang kasalanan. Dahil dito, ano ang itinuro ng Tagapagligtas na dapat gawin ng sinumang taong nais na maligtas?
"Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas ..." (Revised English Bible, isinalin mula sa Ingles)
Sa talatang ito ay hindi lamang itinuro ng Panginoong Jesucristo na dapat gawin ng tao ang pagpasok sa loob ng kawan para maligtas, kundi, ipinakilala rin Niya na Siya ay hindi nagtatangi ng tao na naghahangad na maligtas. Kaya ang sabi Niya, "...sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas." Kung mayroon man Siyang itinatangi, ito ay ang kaparaanankailangang pumasok ang tao at mapaloob sa kawan. Ang kawan na dapat kapalooban para sa pagtatamo ng kaligtasan ay ang tunay na Iglesia:
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo" (Gawa 20:28, Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)
NALALAPIT ANG WAKAS
Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay panatag na umaasa sa kaligtasan sapagkat ang nangako ay ang mismong Tagapagligtas. Kailan matatamo ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kaligtasang ipinangako ng Panginoong Jesucristo? Ang sabi ni Apostol Pablo:
"Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya" (Heb. 9:28).
Ang kaligtasang inaasahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo o pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Matagal pa kaya bago bumalik ang Panginoong Jesucristo? Paano natin malalaman kung malayo pa o malapit na ang Kaniyang pagbabalik?
"At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at katapusan ng sanglibutan?" (Mat. 24:3)
Sa talatang ito, ang itinanong ng mga alagad sa Panginoong Jesucristo ay ang tungkol sa magiging tanda ng Kaniyang pagparito at ng katapusan ng sanlibutan. Ano ang naging sagot Niya sa tanong ng mga alagad? Sinabi Niya:
"Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga" (Mat 24:33)
Tiyak ang tugon ng Panginoong Jesucristo sa tanong ng mga alagad Niya: "...pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin na siya'y malapit na." Anu-ano ang mga bagay na makikita o mangyayari kapag malapit na ang wakas ng mundo?
"At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'ymangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang mga bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan." (Mat. 24:6-8)
Ito ang mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesucristo na mangyayari kapag malapit na ang ikalawang pagparito Niya na siya ring katapusan ng sanglibutan. Ang sabi: "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan." Naganap na ang mga digmaang ito, at ito ay ang mga digmaang sumiklab noong 1914 at 1939 na tinatawag ng kasaysayan na una at ikalawang digmaang pandaigdig. Bakit natin natitiyak na ang mga digmaang nagsimula noong 1914 at 1939 ay ang mga digmaang ipinagpauna ng Panginoong Jesucristo na magaganap kapag malapit na ang katapusan ng sanlibutan? Sapagkat, ang mga digmaang ibinabala Niya ay susundan ng pagkakagutom, paglindol sa iba't-ibang dako, at paglaganap ng kahirapan na iyon nga ang nakita natin sa pangyayari. Kaya, napakalapit na ng pagbabalik ng Panginoong Jesucristo na siya ring wakas ng mundong ito. Napakalapit na ng paghuhukom na itinakda ng Panginoong Diyos. Para tayo'y makatiyak ng pagtatamo ng kaligtasan pagdating ng araw na yaon, ay dapat nating sundin ang tinuro ng Panginoong Jesucristoang pagpasok sa Kaniyang Iglesia.

Wednesday, April 24, 2013

Jesus is the Son of God!

Who can win this battle against the world?

New International Version (©2011)
Who is it that overcomes the world? Only the one who believes that Jesus is the Son of God.
New Living Translation (©2007)
And who can win this battle against the world? Only those who believe that Jesus is the Son of God.

after believing that Jesus Christ is the Son of God, you will have what?

1Jn 5:13
     I write these things to you who believe in the name of the Son of God so that you may know that you have eternal life.

source: 
http://www.biblegateway.com/passage/?search=1+John+5&version=NIV



Tuesday, April 23, 2013

How about the people before 1914?

Tanong ng isang Anonymous:
“tanong lang po, kung ang mga INC members ang maliligtas sa judgment day, how about those people na hindi narating ng pangangaral ng INC, yung mga tribes sa africa, mga bansang walang INC at mga taong nabuhay before 1914? hindi ba ligtas ang gayon karaming tao? pls. enlighten us. tnx po...”


Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA NI CRISTO sa Huling Araw na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng mga bansa:

Mateo 24:14 “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” 

At kapag naisagawa na ng IGLESIA na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi NI CRISTO: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.


Kaya hindi pa nagwawakas kasi nga hindi pa NAAABOT ng INC ang lahat ng kasulok-sulukan ng Daigdig. Maghintay ka lang at maaabot din sila ng pangangaral ng tunay na IGLESIA.

Ngayon dun sa pangalawang tanong mo na, papaano iyong mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, paano sila ngayon maliligtas?

Eto ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:

Roma 2:12 “Sapagka't ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN;” 

May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay sa panahon nang walang kautusan [110A.D. To 1914A.D.], o hindi umiiral ang tunay na aral ng Diyos, hindi nakaabot sa tao ang kaniyang mga salita dahil walang tunay na sugo at walang tunay na IGLESIA, kung nagkasala sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong first century [33A.D. To 110A.D.] At noong 1914 pababa ay meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.


Papaano hahatulan iyong mga tao na nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?

Roma 2:14 “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;” 


Roma 2:15 “NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);” 

Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA, Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN, O TUNAY NA ARAL, AT WALANG TUNAY NA IGLESIA. 

Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral. Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral. Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.

May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?

Nun’ bang patayin ni Cain si Abel ay mayroon nang batas noon na bawal ang pumatay? Wala pa, hindi ba? Kasi sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi mo naman kayang sabihin na hindi nakonsiyensiya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain, kaya nga ng hinahanap ng Diyos kung nasan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na pinatay niya ito, kundi sabi niya“Aywan ko, ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?” [Genesis 4:9at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang batas o kautusang nakasulat na umiiral.

MULI NA NAMAN TAYONG SINAGOT NG MALINAW NG BIBLIA…

source.

Monday, April 22, 2013

Roma 16:16


BAGAMAT ang Biblia ay bumanggit ng pahayag na “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo”, tulad ng nasa Roma 16:16:

Romans 16:16  “Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.” [King James Version]

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. [Ang Biblia, 1905]

Hindi ito nangangahulugan na mahigit sa isa o marami ang iglesia o ang katawan ni Cristo. Binigyan diin ni Apostol Pablo na iisa lamang ang katawan ni Cristo o iglesia (Efeso 4:4; Colosas 1:18). Kung alin ang marami ay ang mga kaanib o miyembro ng katawan o iglesia na kanyang nilinaw sa kaniyang sulat sa mga taga Roma na ganito ang ating mababasa:

Roma 12:4-5 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ano ngayon ang nais ipahiwatig ng katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ?

Anong pangalan ang dapat itawag upang tumukoy sa kabuoan ng katawan ng mga nagsisisampalataya o mga tao ng Diyos? Para maiwasan ang pagiging bias at di isipin ang iisang panig lamang na pagpapaliwanag ating sipiin ang akalat ni G. Don De Welt.

“So that, not only is the expression “churches of Christ” justified, as applied to local congregations of believers; but “church of Christ” as a DESIGNATION OF THE WHOLE BODY OF HIS PEOPLE, lies implicit in its very constitution and history. The idea of it is not only scriptural, it is inseparable from the relation of Christ to the church.” (The Church in the Bible, p. 349)

Sa Filipino:

“Kaya nga hindi lamang ang katagang “mga iglesia ni Cristo” ang nagpapatunay, na ikinapit sa mga lokal na kongregasyon ng mga mananampalataya; Maging ang “iglesia ni Cristo” na ISANG KATAWAGAN NA TUMUTUKOY SA KABUOANG KATAWAN NG MGA TAO NIYA, ito’y maliwanag na nakabatay sa kaniyang pinaka alituntunin at kasayasayan. Ang kaisipang ito ay hindi lamang maka-kasulatan, ito ay hindi maihihiwalay sa kaugnayan ni Cristo sa iglesia.”

Ang katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ay tumutukoy sa mga lokal na kongregasyon, at hindi sa kabuoan ng mga mananampalatayang kabilang sa katawan o iglesia, ang Pangalang  “church of Christ” o “iglesia ni Cristo” ang siyang ginamit para rito. Sa kadahilanang ang pangalang ito ang tumutukoy sa pinaka alituntunin at kasaysayan ng Iglesia, at maliwanag na ipinapakita ang kaugnayan ni Cristo sa Iglesia. Ang mga ganitong pagpapaliwanag ay maka-kasulatan o maka-Biblia. Samakatwid ang pangalang Iglesia Ni Cristo, ay isang katotohanang hango sa Biblia na pinatutunayan ng mga Bible Scholars:

“He conferred authority in the Church; explained the importance of designating the organization by its PROPER NAME--the Church of Christ” (The Great Apostasy, p. 12)

Sa Filipino:

“Kaniyang tinaglay ang pamamahala sa Iglesia; ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagtawag sa organisasyon sa kaniyang MARAPAT NA PANGALAN—ang  Iglesia ni Cristo.”

Kung paanong ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo, marapat lamang na ang opisyal na pangalan nito ay Iglesia ni Cristo. Batay sa mga kasulatan, ito ang marapat na pangalan ng organisasyong ito, gaya ng ipinapaliwanag ng isa pang Bible scholar na si J.C. Choate, na ganito:

“Name of the Church” If the church is to be scriptural, then it must have a scriptural name. As to the church, Christ promised to build it (Matt. 16:18), it is said that he purchased it with his own blood (Acts 20:28), that he was the saviour of it (Eph. 5:23) and the head of it (Col. 1:18). It is only natural that it would wear his name to honour its founder, builder, saviour, and head. So when Paul wrote to the church at Rome, and sent along the greetings of the congregations in his area, he said, thechurches of Christ salute you (Rom 16:16). Then in speaking to the church at Corinth, “Now ye are the body of Christ and members in particular” (I Cor. 12:27). But since the body is the church (Eph 1:22, 23), then he was simply talking about the church of Christ.” (The Church of the Bible, pp 27-28)

Sa Filipino:

 “Pangalan ng Iglesia” kung ang iglesia ay dapat maging maka-kasulatan, ito ay dapat may pangalang maka-kasulatan. At sa Iglesia, ipinangako ni Cristo na itatayo niya ito (Mat 16:18), sinasabing ito’y tinubos niya ng kaniyang dugo (Gawa 20:28), at siya ang tagapagligtas nito (Efe. 5:23), at siya ang ulo nito (Col.1:18). Kaya natural lamang na taglayin nito ang pangalan ng nagtatag, nagtayo, tagapagligtas, at ng ulo nito. Kaya nang si Pablo ay sumulat sa Iglesia na nasa Roma, at nagpadala ng pagbati sa mga kongregasyong sa kaniyang dako, sinabi niya “ binabati kayo ngmga iglesia ni Cristo” (Rom. 16:16). Pagkatapos nagsalita rin siya sa Iglesiang nasa Corinto, at sinabi niya, “kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y sama-samang mga sangkap niya” (I Cor. 12:27), at dahil sa katawan ni Cristo ang iglesia (Eph 1:22, 23), ang tinutukoy lamang niya sa kaniyang mga sinasabi ay ang iglesia ni Cristo.

Maging sa Norlie’s Simplified New Testament na isang salin ng Biblia, isang bahagi ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso ay isinalin sa isang paraan na ang pangalang ginamit ay church of Christ o iglesia ni Cristo imbes na body of Christ o katawan ni Cristo:

Ephesians 4:12 “The common object of their labor was to bring the Christians maturity, to prepare them for Christian service and the building up of the Church of Christ.” (Norlie’s Simplified New Testament)

Karaniwan sa mga salin ng Biblia tulad ng King James VersionToday’s English Version,New International Version, ang nasabing bahagi ng talata ay isinasalin bilang “body of Christ” o katawan ni Cristo. Dapat mapansin na ito’y nasa anyong pangisahan (singular form), at hindi “bodies of Christ” o mga katawan ni Cristo. Sa tuwing babanggitin ang katagang katawan ni Cristo sa Biblia, ito’y palaging nasa singular form. Sapagkat si Cristo ay nagtayo ng isa lamang Iglesia:

Matthew 16:18  “And I also say unto thee, that thou art Peter, and upon this rock I will build MY CHURCH; and the gates of Hades shall not prevail against it.” [ASV]

Mateo 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Hindi sinabi ni Cristo na “I will build MY CHURCHES” o “Itatayo ko ang AKING MGA IGLESIA”, hindi ba? Kaya nga, kapag binabanggit ng Biblia ang katagang katawan ni Cristoang tinutukoy lamang nito ay ang Iglesia ni Cristo.

Katawan ni Cristo   =   Iglesia ni Cristo

source

George M. Lamsa's Acts 20:28


MADALAS na tinutuligsa ang INC sa paggamit ng Gawa 20:28 ng George Lamsa Translationat sinasabi nila na kaya daw ito ang madalas naming gamitin ay sapagkat natapat lang daw sa aming paniniwala, at doktrina.

Ganito ang mababasa sa nasabing talata:

Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.” (Lamsa Translation)

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Ang pagkakasalin daw ni LAMSA sa talatang ito ay MALI, dapat daw ang nakalagay dito imbes na IGLESIA NI CRISTO ay IGLESIA NG DIYOS. Dahil hindi daw ito ang nakalagay saBibliang Griego. Ang nakalagay daw kasi ay ganito:

Acts 20:28  “προσεχετε ουν ‘εαυτοις και παντι τω ποιμνιω εν ‘ω ‘υμας το πνευμα το ‘αγιον εθετο επισκοπους ποιμαινειν την εκκλησιαν του θεου ‘ην περιεποιησατο δια του ιδιου ‘αιματος”  [Textus Receptus]

Pagbigkas:

“prosekhete oun heautois kai panti tō poimniō en hō humas to pneuma to hagion etheto episkopous poimainein tēn EKKLĒSIAN TOU THEOU hēn periepoiēsato dia tou idiou haimatos.”

Kung CHURCH OF CHRIST daw ang nakalagay dapat daw ay:

εκκλησιαν του χριστου”  “EKKLĒSIAN TOU KRISTOU”

Sapagkat ang nakalagay nga naman sa Bibliang Greek na ito ay:

“εκκλησιαν του θεου”  o  EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Na sa English ay “CHURCH OF GOD”, Kaya ang INC daw ay nagbabatay sa isang MALING SALIN ng Gawa 20:28.

At sapaglat maraming Biblia, ang nagbatay ng kanilang salin mula sa Bibliang Griegong ito gaya ng KING JAMES VERSION, ay inakala na ng marami na ito ang tumpak na salin ng talata:

Acts 20:28  “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [KJV]

Ang hindi alam ng marami, sa wikang Griego ang Gawa 20:28, ay mayroon pang isang version, na ganito naman ang nakalagay:

Acts 20:28  “προσέχετε αυτος κα παντ τ ποιμνίῳν  μς τ πνεμα τγιον θετο πισκόπους, ποιμαίνειν τν κκλησίαν το κυρίουν περιεποιήσατο δι το αματος το δίου.” (Tischendorf Greek New Testament)

Dito sa Bibliang ito imbes na “IGLESIA NG DIYOS” na sa Greek nga ay:

“εκκλησιαν του θεου”  o  EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Ang nakalagay dito ay:

“ἐκκλησίαν το κυρίου” EKKLĒSIAN TOU KURIOU”

O sa English “CHURCH OF THE LORD” na siya namang pinagbatayan ng Bibliang ito:

Acts 20:28  “Take heed unto yourselves, and to all the flock, in which the Holy Spirit hath made you bishops, to feed the CHURCH OF THE LORD which he purchased with his own blood.”  [American Standard Version]

At maging ng ating PINAKA-LUMANG BIBLIANG TAGALOG – ANG BIBLIA:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” [Ang Biblia, 1905]

Dito pa lamang ay kitang-kita na natin na sa Bibliang Greek ay may DALAWANG VERSIONang Gawa 20:28Sapagkat hindi nalalaman ng marami na kung papaanong maraming version ang mga Bibliang English at Tagalog ay gayon din ang Bibliang Greek.

At walang sinoman na makapagpapatunay na ang IGLESIA NG DIYOS ang pinaka-tumpak na salin ng Gawa 20:28, sapagkat ang manuskritong orihinal na isinulat ng aktual ng mga Apostol ay hindi na po umiiral. Ang natitirang mga manuskrito ay mga kopya ng mga kopya na lamang ng aktuwal na isinulat ng mga Apostol.

Ang ipinaglalaban nilang salin kung saan nakalagay ang mga katagang “IGLESIA NG DIYOS”, ay tama kayang salin?

Paano ba malalaman kung ang salin ng isang talata ay tumpak at tama, kahit na hindi na natin makikita pa kailan man ang orihinal na mga manuskritong aktuwal na naisulat ng mga Apostol?

Narito ang sagot sa atin ng Biblia:

1 Corinto 2:12-13  “Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. NA ANG MGA BAGAY NA ITO AY ATIN NAMANG SINASALITA, HINDI SA MGA SALITANG ITINUTURO NG KARUNUNGAN NG TAO, KUNDI SA ITINUTURO NG ESPIRITU; NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

Hindi galing sa karunungan ng tao ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at ang tanging paraan na itinuturo ng Biblia ay ang paraan na itinuturo ng Espiritu Santo, na ang sabi nga ay:

“NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia.

Kaya’t ating suriin ang talata kung saan nakalagay ang mga katagang “IGLESIA NG DIYOS”, ating balikan ang nakalagay sa KING JAMES VERSION:

Acts 20:28  “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [KJV]

Sa Filipino:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”

Mayroon akong nais ipapansin sa inyo mga tagasubaybay, ang bahaging ito ng talata na sinasabi na:

“…upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS NA BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.”

Hindi ba lumalabas sa verse na iyan na ang DIYOS ay may DUGO, at siya ang TUMUBOS o BUMILI sa IGLESIA?


Dito pa lamang ay atin nang natitiyak na may kokontrahin itong ibang talata sa Biblia.

Kaya maaari ninyong itanong dun sa mga taong naniniwala na tama ang verse na nakalagay sa KING JAMES ang ganito:

1.      Naniniwala ba kayo na ang Diyos ay may DUGO?

2.      Sino ba ang tumubos o bumili sa Iglesia, ang Diyos ba o ang Panginoong JesuCristo?

Diyan pa lang mga kaibigan ay mamumrublema na sila, natitiyak ko sa inyo.

Dahil sa dalawang katotohanang ito:


ANG DIYOS AY WALANG DUGO SAPAGKAT SIYA AY “ESPIRITU”

Hindi maaari kailan man na mangyari na maging tama ang nakalagay sa King James Version o iba pang Bible na ganito ito isinalin, dahil lalabas nga na may Dugo ang Diyos na ipinangtubos niya sa Iglesia. At dito magkakaroon ng napakalaking suliranin sa pagpapatunay ang mga kumakalaban sa INC, dahil niliwanag ni Cristo na ang Diyos ay Espiritu:

Juan 4:24  “ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Na ang ibig sabihin ng Espiritu ay:

Lucas 24:39  “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; SAPAGKA'T ANG ISANG ESPIRITU'Y WALANG LAMAN AT MGA BUTO, NA GAYA NG INYONG NAKIKITA NA NASA AKIN.”

Niliwanag  ni Cristo na ang Espiritu ay: WALANG LAMAN AT MGA BUTO na ito nga ang kalagayan ng Diyos sapagkat siya’y Espiritu – siya’y WALANG LAMAN AT BUTO,samakatuwid WALANG DUGO, mahirap naman yatang patunayan na ang bumubuo sa Diyos ay PURO DUGO LANG?


SI CRISTO ANG TUMUBOS SA IGLESIA NG KANIYANG DUGO AT HINDI ANG DIYOS

Kung hindi ang Diyos ang tumubos o bumili sa Iglesia sapagkat wala siyang DUGO, eh sino nga ba may DUGO na ipinakikilala ng Biblia na siya ring tumubos sa IGLESIA? At sa kanino ba binili ng Dugo ang Iglesia?

Apoc 5:8-9  “At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.  At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA.

Ang liwanag ng sabi ng talatang ito:

“…BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA”

Ang kinakausap dito at pinagsasabihan ng mga katagang iyan ay ang CORDERO na siyangBUMILI sa mga tao NG KANIYANG DUGO sa DIYOS, na siyempre naman ang MGA TAOna tinutukoy ay tumutukoy sa mga kaanib ng IGLESIA.

Kaya napakaimposible talaga na ang Diyos ang bibili ng kaniyang dugo sa Iglesia, kasi nga Una, walang dugo ang Diyos, at pangalawa sa kaniya binili ng dugo ang Iglesia.

Eh sino ba iyong Cordero na tinutukoy dito na bumli ng kaniyang dugo sa Diyos ang mga tao na siya ngang Iglesia?

Juan 1:29  “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang tinutukoy na CORDERO na bumili ng kaniyang dugo sa Iglesia sa Diyos ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO, at hindi ang Diyos.

Eh talaga bang si Cristo ay may dugo?

Hebreo 9:13-14  “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:  Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Kaya napakaliwanag na ang tumpak na salin sa Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO at hindi IGLESIA NG DIYOS.
               

ANG DAHILAN NI LAMSA KUNG BAKIT “IGLESIA NI CRISTO” ANG NASA GAWA 20:28 NA ISINALIN NIYA

Naipakita na natin ang katuwiran ng Biblia kung bakit natin pinaniniwalaan na tumpak ang saling IGLESIA NI CRISTO sa Gawa 20:28 at hindi IGLESIA NG DIYOS, ngayon naman ay ating tunghayan ang katuwiran ni LAMSA kung bakit niya isinalin ito bilang CHURCH OF CHRIST o IGLESIA NI CRISTO:

“The Eastern text reads: "the Church Of Christ which he has purchased with his blood.  Jewish Christians could not have used the term “God”, because in their eyes God is spirit, and spirit has no flesh and blood.  It was Jesus of Nazareth who shed his blood on the cross for us, and not God.” [George M. Lamsa, New Testament Commentary, pp. 149 - 150]

Sa Filipino:

“Sabi sa Eastern Text: “ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo. Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.

Napaka-klaro ng dahilan na ang kaniyang dahilan ay tumpak at hindi mapasusubalian, kung bakit niya isinalin na IGLESIA NI CRISTO ang Gawa 20:28 sa halip na IGLESIA NG DIYOS.

Narito ang kaniyang mga dahilan:

1.       “Sabi sa Eastern Text: “ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. 


Ang GAWA 20:28 sa wikang SYRIAC PESHITTA

Ang tinutukoy niyang Eastern Text ay ang Syriac Peshitta Aramaic, na siyang katutubong wika ni Jesus, isang manuskristo sa Wikang Aramaiko, at kaniyang nilinaw na ang nakalagay o nakasulat doon ay CHURCH OF CHRIST-Ang pinagbatayan ng kaniyang saling ito ay hindi ang mga manuskritong Griego kaya mali na ipinang-aatake ng iba, na maling salin daw ito dahil sa hindi nito sinunod ang mga manuskritong Griego, ano naman kaya ang katibayan nila na mali ang manuskritong Aramaiko at hindi dapat pagbatayan? Sa totoo lang walang sino man na makapagpapatunay na hindi authentic ang mga manuskritong ito.

2.       “Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo.”

Totoo ang sinabi niyang ito sapagkat pinatunayan na ito sa atin ng mismong Biblia. Maging ang pangatlong ito:

3.       “Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.”

Ang tatlong napakatitibay na mga dahilang ito ang kanila munang dapat na patunayang hindi totoo, bago nila sabihin na ang pagkakasalin ng Gawa 20:28 ni George M. Lamsa ayMALI…kung kaya hindi maaaring gamitin ng IGLESIA NI CRISTO ito bilang batayan.