Sunday, April 21, 2013

Election 2013



Nalalapit na naman ang eleksyon dito sa Pilipinas. Mga kababayan ko, kayo ba’y may napili na upang maglingkod sa atin at sa ating bayan? Kayo ba ngayo’y nkapag-pasya na kung sinu ang karapat-dapat?
Kaalinsabay ng eleksyon ang kabi-kabilang pag-uusig at pag-iintriga sa aming/ating mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Tayo di umano ay walang kalayaan na pumili at bumoto para sa ating sarili. Tayo daw ay nag-papa-uto sa ating pamamahala.
May ilan lamang akong katanungan sa mga taong ito, kung bakit hindi nyo na lang intindihin ang inyong mga sarili at mas nais nyo pang atakihin at usisain kaming mga INC.
Ang aming kaisahan sa pag-boto (BLOC VOTiNG) ay matagal na naming naisagawa, kahit sa panahon pa lamang ni Pres. Manuel Quezon ay naisagawa na namin ito.
Akin lamang pong lilinawin sa inyo, na kaming mga kaanib sa loob ng Iglesia, bago pa man kami bautismuhan, ay itinuturo na po ang pag-kakaisa at kaisahan sa loob nito. Sa mga panahon ng doktrina ay inihahayag na sa amin na dapat bilang kaanib sa isang katawan (Iglesia) ay dapat maging isa din ang aming diwa, maging ka-isa ng pamamahala. Hindi lamang sa panahon ng doktrina namin ito naituturo sa bawat kaanib, kundi pati na rin sa mga araw ng pag-samba lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon.
Paano ba nag-pa-PASYA ang aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo? Marahil kung mapapansin ninyo kapag nag-tanong kayo sa mga kaanib ng INC kung sinu ang iboboto nila ang isasagot nila “wala pang PASYA/ kung anu ang PASYA”. Yan ang karaniwang isinasagot. Paano nga ba? Yan ang mga bagay na di ko maaaring sabihin. 
Totoo na nilalapitan ng mga kandidato kaming mga INC. Yung iba nga dumadalo pa sa pag-samba, pupunta sa mga Distrito upang makahingi lang ng aming suporta. Ang problema ay ang mga OPINYON NG IBANG TAO NA HUMIHINGI "DAW" KAMI NG KAPALIT KAPAG IBINIGAY NAMIN ANG AMING SUPORTA SA MGA KANDIDATO. Mali yang ganyang mga paratang. 
“Tayong mga Iglesia Ni Cristo, hindi natin kaylangan ng mga pulitiko na yan. Uunlad ang Iglesia kahit wala sila, hindi natin kaylangan lumapit sa kanila para mkapag-patayo ng gusaling sambahan. ANG IGLESiA KAYLANGAN NG MGA PULITIKO, ANG PULITIKO HINDI KAILANGAN NG IGLESIA.”. sabi ng mga nkaka-tandang mga kapatid. Nag-simula ang Iglesia sa kanyang sarili lamang, hindi humingi ng tulong kung kani-kanino dyan.
Eh bakit kami bumuboto kung hindi naman pla naming kaylangan? Dahil nasasaad sa batas. Kailangan yun e J
Ito lamang po ang masasabi ko, matagal ng gawain ng INC ang bloc voting, hindi dahil sa wala kaming kalayaan para pumili, kundi may pamamahala kami na mag-papasya para sa aming ikabubuti. Sa iba, bago lang, pero sa amin matagal na, hindi kase nila/ninyo alam kung paanong hirap at pagod ang ginagawa nila(ang Pamamahala) para makapag-pasya.
Sa totoo lang tama ang sinabi samin ng nkaka-tanda sa amin. Ang Iglesia ang kailangan, ang nilalapitan ng mga pulitiko, pero sila? Hindi namin/natin sila kailangan. Iba ang pamamahala sa atin. Iba ang ang ating pamamahala.
Mga kapatid ko sa pananampalataya, tayo’y maki-isa sa nalalapit na eleksyon. Maging ka-isang diwa tayo ng pamamahala para sa kasakdalan ng ating paglilingkod.
----------------------------------------------------
Hebreo 13:17
            “Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, at pasakop kayo sa kanilang pamamahala. Sila ang mangangalaga sa inyo at mananagot sa paglilingkod na ito. Sundin ninyo sila upang maging kagalakan at hindi pabigat ang paglilingkod na ginagawa nila; ito'y sa ikabubuti rin ninyo.

--------------------------------------------
“I appeal to you, brothers, by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment.” I Cor. 1:10


Saturday, April 6, 2013

Mag-patuloy sa kabila ng matinding PAG-UUSIG


     Kapatid, naranasan mo na ba ang mausig? isa kang mag-aaral na inuusig ng iyong guro, isang trabahador o nag-o-opisina na inuusig ng boss mo, isang Anak na inuusig ng kanyang mga kamag-anak, lalo na ng kanyang magulang sa kadahilanang ndi mo sila kapanampalataya.
     Marami sa ating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) ay may mga pag-subok sa buhay, may mga pag-uusig sa ating landas, may kahirapan na dinadanas, at may mga sakit na kailangan ng lunas. Marami ang kontra sa ating pananampalataya, may mga tutol sa doktrina sa loob ng ating kapatiran, may mga naninira sa ating pamamahala, may mga tao na gustong ibagsak ang Iglesia sa di malaman na kadahilanan.
     Ako ay isang 3rd year Computer Engineering Student sa isang Unibersidad na pinapatakbo ng isang relihiyon. Hindi maiiwasan na may mga asignaturang itinuturo dito, isa na rito ang CE (Christian Education) na kung saan ay itinuturo nila ang knilang paniniwala, ang hindi lang kaaya-aya ay ang pag-kagalit/inis nila sa ibang mga relihiyon lalo na sa ating mga INC. Yun bang itinuturo nila na mali daw ang turo sa loob ng ating kinabibilangan na relihiyon, na tayo lang ang naiiba sa lahat. Isa ito sa pag-uusig na dinanas ko, yun bang galit na galit kna ayaw mo lang mag-salita at sumagot bka ibagsak ka, kung kaya naman ang gagawin mo nlng ay manahimik at manalangin na sana matapos na agad ung Subject na un.
     Isa pang pag-subok ay ang pag-uusig sayo ng iyong mga kakilala at kaibigan. Ang lokal namin ay may katabi na RC (Roman Catholic) Church. Yun bang habang dumadaan ka sa simbahan ay andyan ung mga tao na hindi maiwasan ang pag-paparinig at pag-papatama. Yun bang sasbihin na "Si Oscar un a, sasamba na naman sa demonyo", wala akong magawa kundi mag-patuloy sa pag-lalakad. Mas mabuti kasi na maging tahimik ka nlng at pag-isipan kung anu ang dapat na gagawin.
     Ngayon ay laganap na din sa iba't ibang social networking site gaya ng facebook ang mga PAGE na kung saan ay naninira sa ating pananampalataya, may mga grupo na hindi humihinto sa kasamaan at maling turo na inihahayag nila. Ang ipinag-tataka ko lang ay kung bakit HALOS LAHAT NG RELiHiYON SA MUNDO AY KONTRA SA IGLESIA NI CRISTO para bang 10 VS 1 or 100 VS 1. Sabagay, naituro naman na sa bawat isa sa atin ng ang lahat ng ito ay mangyayari. Kung may Anti-INC group, mawawala ba ang mga kapatid natin na nag-de-defend sa atin? Ako ay miyembro sa 4 na grupo tumutulong sa mga kapatid na inuusig. Sa kagustuhan ko din na tumulong, gaya ni Bro. Read Me, gumawa din ako ng sarili kong blog (thedoctrines.blogspot.com).
     Pinakamhirap na pag-uusig ay ang usigin ka ng sarili mong mga magulang at kamag-anak na kung saan ay kabi-kabila ang knilang paninira sa iyong relihiyon. May time na sumasagot ka na, hindi dahil sa wala kang galang, kundi ay,dini-defend mo lang ang Iglesia. Nanjan ang time na sasabihin sayo, wag kna sumamba, nkaka-antok, wag kna dumalo sa panata, wala kang mapapala, wag kna dumalo sa mga aktibidad, sayang lang oras mo jan, galit pa! Bilang isang anak, naiintindihan ko sila dahil ndi naman nila alam ang doktrina sa loob ng Iglesia na:

Hebreo 13:17
     “Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, at pasakop kayo sa kanilang pamamahala. Sila ang mangangalaga sa inyo at mananagot sa paglilingkod na ito. Sundin ninyo sila upang maging kagalakan at hindi pabigat ang paglilingkod na ginagawa nila; ito'y sa ikabubuti rin ninyo.
-----
    Ang tanging maipapayo ko lang sa ating mga kapatid na nakakaranas ng iba't-ibang pag-subok sa buhay ay "Mag-patuloy sa kabila ng matinding PAG-UUSIG".

Isaias 41:10
      Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

     Huwag tayong panghinaan ng loob sa mga dumadating sa atin na mga pag-subok, May Diyos tayo na malalapitan, palalaksin nya tayo,tutulungan at aalalayan sa lahat ng bagay,
-----
2 Corinto 12:10
   Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiisSapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.

   Ito nawa'y maging tulong sa bawat isa,sa mga nanghihina at nanlalamig na mga kapatid sa buong mundo. Nakatulong sana ako na pasiglahin ang inyong pananampalataya at mag-patuloy sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

written by Oskie