Saturday, December 21, 2013

Isang Taon ng Kasiyahan at Kapighatian.

                Mga Kapatid, muling nakalipas ang isang taon sa ating buhay. Isang taon na punong-puno ng mga pangyayaring  nakaantig sa ating mga buhay, nagbigay ng kasiyahan, mga sitwasyon na kung saan na masasabing isa sa pinaka-magandang nagyari sa atin ngayong taon. Kaakibat nito, nakaranas din tayo ng kalamidad, kahirapan lalong lalo na ang kapighatian.
Bago matapos ang taon, nagkaroon ng lindol sa gawing kabisayaan. Matapos lamang ng ilang panahon, sinundan ito ng pinakamalakas na bagyo na puminsala sa gawing Visayas at Mindanao. Hindi lang dito ngunit pati na rin sa ibayong dagat. Nagdulot ito ng malaking bilang ng mga nasawi at nasirang ari-arian at mga kagamitan.
Hindi lingid sa kaalaman natin na ito ang senyales na malapit ng dumating ang pinaka-hihintay nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Malapit na ang “ARAW NG PAGHUHUKOM”, ang Ikalawang pagparito ng Bugtong na Anak ng Ating Ama, ang Kaniyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo.  Nalalapit na ang ating kaligtasan, ang BUHAY na WALANG-HANGGAN.
Nagdanas man tayo ng matinding kahirapan sa buhay, naghanda tayo ng bukal sa ating mga puso ng mga gawang PAGPAPASALAMAT dahil sa tinulungan nya tayong makatawid sa kabila ng pasakit na dumating sa ating buhay. Tayo ay nagbukod at nagsimpan ng mga biyayang sya din ang nagbigay sa atin.
Alam nating lahat na wala tayong maitutumbas sa Kanyan mga pagpapala sa atin. Sa Kanyang ginawang kabutihan. Sa tutuusin nga, tayo ay walang maipapalit at maigaganti sa lahat lahat ng magandang nangyari sa ating buhay. Inilayo tayo sa kapahamakan at masamang kaway ng sanlibutan.
Panibagong taon ang ating tatahakin. Bagong taon ng pakikipag-baka, taong ng paglalakbay. Kasabay ng taong ito ang kaarawan natin, ang kaarawan ng lahat ng kapatid sa buong daigdig, KAARAWAN NG IGLESIA NI CRISTO. ISANG DAANG TAON NG MABUTING PAKIKIBAKA,  salamat at pinatnubayan tayo ng Ama, inihatid nya tayo sa pagkakataong ito. Sa kabila ng matinding pag-uusig ay naipagtagumpay natin ang ating pananampalataya.  Walang naging hadlang upang ipagpatuloy ang daan na itinuro ng Panginoon.
Ipangako natin sa ating Ama at sa ating Panginoong  Jesu-Crito na tayo’y maninidigan sa ating kahalalan. Ipakikipaglaban natin ang ating Pananampalataya hanggang sa magpantay ang ating mga paa. Salamat po Panginoong Jesu-Cristo kami nananatili sa loob ng Iyong Iglesia. Ang Iglesia Ni Cristo na binili ng Iyong sariling dugo. Salamat po Ama, kaming hinirang ay Mahal mo pa.

Saturday, August 17, 2013

Saan ba napupunta ang handog/abuloy ng mga miyembro ng INC?

SAAN NGA BA? 

                Marami ang nagtatanong sa akin kung saan ba tlga napupunta ang mga binibigay na handog sa loob ng INC. Meron ang nagsasabi na binubulsa daw ng mga ministro at mga manggagawa ang pinagkakaisang handog naming. Meron din naman na sa pamilya “Manalo” daw. Meron naman iba na. kinukurakot daw ito ng mga nasa taas na posisyon ng INC.
                Meron pa nga ang nagsasabi, sapilitan daw ang pagbibigay ng salapi/handog sa amin. May mga sobre daw na may halaga at dapat makatugon ang kaanib dito. Dalawang beses pa daw magbigay ang mga kaanib sa loob ng INC dahil dalawang beses ang pagsamba dito. Ang iba nga kinukwestyon din bakit daw dalawang beses    
     *Tanungin natin ang Biblia, utos ba ng Diyos ang paghahandog/abuloy/offering?
-----Each one should give, then, as he has decided, not with regret or out of a sense of duty; for God loves the one who gives gladly II Cor. 9:7
            -Opo. Utos ng Diyos ang pagbibigay sapagkat nalulugod ang Diyos.
     *Sinu-sinu ba ang dapat magbigay ng kusang handog?
-----Each one should give, then, as he has decided,not with regret or out of a sense of duty; for God loves the one who gives gladly” II Cor. 9:7
            -EACH ONE(BAWAT ISA). Ikaw? Naghahandog ka ba sa Diyos? J
     *Bakit utos ng Diyos ang paghahandog?
-----“Therefore by Him let us continually offer the sacrifice of praise to God, that is, the fruit of our lips, giving thanks to His name. But do not forget to do good and to share, for with such sacrifices God is well pleased.” Heb. 13:15-16
               -for with such sacrifices God is well pleased. Sapagkat ang Diyos ay nalulugod/nagagalak.
     *Ang tanong, matapos ang paghahandog, san mapupunta ang mga ito? Anu ang sabi ng Biblia? SAAN BA DAPAT GAMITIN ANG MGA ITO? Pansarili? Pansambahayan? Para saan at para knino?
----- So let each one give as he purposes in his heart, not grudgingly or of necessity; for God loves a cheerful giver. … For the administration of this service not only supplies the needs of the saints, but also is abounding through many thanksgivings to God, while, through the proof of this ministry, they glorify God for the obedience of your confession to the gospel of Christ, and for your liberal sharing with them and all men,” II Cor. 9:7, 12-13
               -Ito ay ginagamit ng pamamahala sa pangangailangan ng mga ministro at manggagawa para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Para maituro sa kalapan ang mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Diyos na, ibulsa mo.
     *Maliban sa gamit ng mga ministro at pagpapalaganap ng ebanghelyo, meron pa bang iba?
----- “Go up to the mountains and bring wood and build the temple, that I may take pleasure in it and be glorified,” says the LORD.” Hag. 1:8
              -Ang abuloy  o handog na nalilikom sa loob ng INC ay ginagamit din sa pagpapatayo ng bahay-sambahan o kapilya.
     *Meron pa bang iba?                
----- “Go out to the cities of Judah, and gather from all Israel money to repair the house of your God from year to year, and see that you do it quickly.” However the Levites did not do it quickly.” II Chr. 24:4-5
               -Ayan, meron din para sa pagkukumpuni/renovation ng mga sirang kapilya.
   *Anu ang  PINAKA-IMPORTANTENG DAHILAN kung bakit utos ng Diyos ang paghahandog?
----- “Let them do good, that they be rich in good works, ready to give, willing to share, storing up for themselves a good foundation for the time to come, that they may lay hold on eternal life.” I tim. 6:18-19
               -Ang sabi ni Apostol Pablo, ito ay pagiipon/paghahanda ng magndang pundasyon  sa nalalapit na pagdating ng panahon. Anung panahon iyon? Alam nating lahat, ang araw ng PAGHUHUKOM.


                Ayan, Biblia mismo ang nagsasabi, at yan mismo ang ginagawa ng Pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa abuloy o handog na binibigay sat wing pagsamba. Narito ang ilang mga proyekto kung san napupunta ang pinag-isang handog sa loob ng INC

--HOUSE OF WORSHIP
* Maintenance of the houses of worship
* Expenses in the house of worship
* Renovation of the houses of worship
* Forms
--MISSIONARY WORKS
* Renting of venues
* Propagation of God’s words
* Employees
* Housing projects
* Transportation expenses
* District offices
--CHSRITIES
* Expenses (LINGAP etc.
--RESSETLEMENTS
* Lands (Brgy. Maligaya, Nueva Ecija)
--CIVIL PROJECTS and INFRASTRACTURES
* Expenses
* Hospitals
* School
* Museum

Author