Monday, May 6, 2013

Election 2013

            Nalalapit na naman ang eleksyon dito sa Pilipinas. Mga kababayan ko, kayo ba’y may napili na upang maglingkod sa atin at sa ating bayan? Kayo ba ngayo’y nkapag-pasya na kung sinu ang karapat-dapat?
Kaalinsabay ng eleksyon ang kabi-kabilang pag-uusig at pag-iintriga sa aming/ating mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Tayo di umano ay walang kalayaan na pumili at bumoto para sa ating sarili. Tayo daw ay nag-papa-uto sa ating pamamahala.
May ilan lamang akong katanungan sa mga taong ito, kung bakit hindi nyo na lang intindihin ang inyong mga sarili at mas nais nyo pang atakihin at usisain kaming mga INC.
Ang aming kaisahan sa pag-boto (BLOC VOTiNG) ay matagal na naming naisagawa, kahit sa panahon pa lamang ni Pres. Manuel Quezon ay naisagawa na namin ito.
Akin lamang pong lilinawin sa inyo, na kaming mga kaanib sa loob ng Iglesia, bago pa man kami bautismuhan, ay itinuturo na po ang pag-kakaisa at kaisahan sa loob nito. Sa mga panahon ng doktrina ay inihahayag na sa amin na dapat bilang kaanib sa isang katawan (Iglesia) ay dapat maging isa din ang aming diwa, maging ka-isa ng pamamahala. Hindi lamang sa panahon ng doktrina namin ito naituturo sa bawat kaanib, kundi pati na rin sa mga araw ng pag-samba lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon.
Paano ba nag-pa-PASYA ang aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo? Marahil kung mapapansin ninyo kapag nag-tanong kayo sa mga kaanib ng INC kung sinu ang iboboto nila ang isasagot nila “wala pang PASYA/ kung anu ang PASYA”. Yan ang karaniwang isinasagot. Paano nga ba? Yan ang mga bagay na di ko maaaring sabihin. 
Totoo na nilalapitan ng mga kandidato kaming mga INC. Yung iba nga dumadalo pa sa pag-samba, pupunta sa mga Distrito upang makahingi lang ng aming suporta. Ang problema ay ang mga OPINYON NG IBANG TAO NA HUMIHINGI "DAW" KAMI NG KAPALIT KAPAG IBINIGAY NAMIN ANG AMING SUPORTA SA MGA KANDIDATO. Mali yang ganyang mga paratang. 
“Tayong mga Iglesia Ni Cristo, hindi natin kaylangan ng mga pulitiko na yan. Uunlad ang Iglesia kahit wala sila, hindi natin kaylangan lumapit sa kanila para mkapag-patayo ng gusaling sambahan. ANG IGLESiA KAYLANGAN NG MGA PULITIKO, ANG PULITIKO HINDI KAILANGAN NG IGLESIA.”. sabi ng mga nkaka-tandang mga kapatid. Nag-simula ang Iglesia sa kanyang sarili lamang, hindi humingi ng tulong kung kani-kanino dyan.
Eh bakit kami bumuboto kung hindi naman pla naming kaylangan? Dahil nasasaad sa batas. Kailangan yun e J
Ito lamang po ang masasabi ko, matagal ng gawain ng INC ang bloc voting, hindi dahil sa wala kaming kalayaan para pumili, kundi may pamamahala kami na mag-papasya para sa aming ikabubuti. Sa iba, bago lang, pero sa amin matagal na, hindi kase nila/ninyo alam kung paanong hirap at pagod ang ginagawa nila(ang Pamamahala) para makapag-pasya. Yung iba, sinisita ang aming bloc voting kasi ayaw nila nung mga i-endorso namin, kung ayaw nyo, edi mag-bloc voting din kayo, para manalo yung kandidatong gusto nyo, tas sisitahin nyo INC pag nanalo/natalo yung kandidato, isip isip din pag may time.
Sa totoo lang tama ang sinabi samin ng nkaka-tanda sa amin. Ang Iglesia ang kailangan, ang nilalapitan ng mga pulitiko, pero sila? Hindi namin/natin sila kailangan. Iba ang pamamahala sa atin. Iba ang ang ating pamamahala.
Mga kapatid ko sa pananampalataya, tayo’y maki-isa sa nalalapit na eleksyon. Maging ka-isang diwa tayo ng pamamahala para sa kasakdalan ng ating paglilingkod.
----------------------------------------------------
Hebreo 13:17
            “Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, at pasakop kayo sa kanilang pamamahala. Sila ang mangangalaga sa inyo at mananagot sa paglilingkod na ito. Sundin ninyo sila upang maging kagalakan at hindi pabigat ang paglilingkod na ginagawa nila; ito'y sa ikabubuti rin ninyo.

--------------------------------------------
“I appeal to you, brothers, by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment.” I Cor. 1:10

Author.  Walang hinihnging kapalit ang Iglesia Ni Cristo mula sa mga Pulitiko.