Pages

Saturday, December 21, 2013

Isang Taon ng Kasiyahan at Kapighatian.

                Mga Kapatid, muling nakalipas ang isang taon sa ating buhay. Isang taon na punong-puno ng mga pangyayaring  nakaantig sa ating mga buhay, nagbigay ng kasiyahan, mga sitwasyon na kung saan na masasabing isa sa pinaka-magandang nagyari sa atin ngayong taon. Kaakibat nito, nakaranas din tayo ng kalamidad, kahirapan lalong lalo na ang kapighatian.
Bago matapos ang taon, nagkaroon ng lindol sa gawing kabisayaan. Matapos lamang ng ilang panahon, sinundan ito ng pinakamalakas na bagyo na puminsala sa gawing Visayas at Mindanao. Hindi lang dito ngunit pati na rin sa ibayong dagat. Nagdulot ito ng malaking bilang ng mga nasawi at nasirang ari-arian at mga kagamitan.
Hindi lingid sa kaalaman natin na ito ang senyales na malapit ng dumating ang pinaka-hihintay nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Malapit na ang “ARAW NG PAGHUHUKOM”, ang Ikalawang pagparito ng Bugtong na Anak ng Ating Ama, ang Kaniyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo.  Nalalapit na ang ating kaligtasan, ang BUHAY na WALANG-HANGGAN.
Nagdanas man tayo ng matinding kahirapan sa buhay, naghanda tayo ng bukal sa ating mga puso ng mga gawang PAGPAPASALAMAT dahil sa tinulungan nya tayong makatawid sa kabila ng pasakit na dumating sa ating buhay. Tayo ay nagbukod at nagsimpan ng mga biyayang sya din ang nagbigay sa atin.
Alam nating lahat na wala tayong maitutumbas sa Kanyan mga pagpapala sa atin. Sa Kanyang ginawang kabutihan. Sa tutuusin nga, tayo ay walang maipapalit at maigaganti sa lahat lahat ng magandang nangyari sa ating buhay. Inilayo tayo sa kapahamakan at masamang kaway ng sanlibutan.
Panibagong taon ang ating tatahakin. Bagong taon ng pakikipag-baka, taong ng paglalakbay. Kasabay ng taong ito ang kaarawan natin, ang kaarawan ng lahat ng kapatid sa buong daigdig, KAARAWAN NG IGLESIA NI CRISTO. ISANG DAANG TAON NG MABUTING PAKIKIBAKA,  salamat at pinatnubayan tayo ng Ama, inihatid nya tayo sa pagkakataong ito. Sa kabila ng matinding pag-uusig ay naipagtagumpay natin ang ating pananampalataya.  Walang naging hadlang upang ipagpatuloy ang daan na itinuro ng Panginoon.
Ipangako natin sa ating Ama at sa ating Panginoong  Jesu-Crito na tayo’y maninidigan sa ating kahalalan. Ipakikipaglaban natin ang ating Pananampalataya hanggang sa magpantay ang ating mga paa. Salamat po Panginoong Jesu-Cristo kami nananatili sa loob ng Iyong Iglesia. Ang Iglesia Ni Cristo na binili ng Iyong sariling dugo. Salamat po Ama, kaming hinirang ay Mahal mo pa.

No comments:

Post a Comment