Pages

Saturday, June 1, 2013

Bakit bawal makipag-TIPAN sa hindi INC?

Bawal ba talaga?

            Marami ang nagtatanong kung bakit daw ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) ay pinag-babawalan ng kanilang pamamahala na makipag-relasyon at makipag-tipan sa hindi nila kapanampalataya. Pati ba naman daw sa pag-aasawa ay masyadong nag-hihigpit ang INC, wala na daw kalayaan ang mga kaanib sa loob nito. Nakatala ba ito sa Biblia?
            Bloc voting, kinu-question nyo, pati ba naman ang pakikipag-tipan? Well, lahat po ng utos, tagubilin aral sa loob ng INC ay galing sa Biblia. Nakabatay ang doktrina nito sa Biblia.Pag-aralan natin kung naayon nga sa Banal na Kasulatan ang hindi pakikipag-tipan sa hindi kapanampalataya.

14Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maari bang magsama ang katwiran at ang kalikuan? O kaya’a ang liwanag at kadiliman? 15 Maari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalatay sa di sumasampalaya?”  2 Cor. 6:14-15

Huwag makipag-isa sa mga di sumasampalataya, eh panu kung sumasampalataya naman yung mga hindi kaanib? Parehas lang ba ang ating mga sinasampalatayanan?

 “1Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pitong bansang sa inyo roon… 3Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong anak ang kanilang mga anak  4 sapagkat ilalayo nila ang inyong anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Kapag nagkaganoon, magagalit sa inyo si Yahweh, at kayoy kanyan lilipulin agad.

Malinaw po, ipinagbabawal talaga n gating panginoong Diyos ang pakikipag-relasyon at pakikipag-tipan sa hindi kaanib dahil ang sabi sa 4 sapagkat ilalayo nila ang inyong anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Ilalayo sa Diyos at pasasambahin sa mga diyus-diyosan.


At bakit pa maghahanap ng taga-sanlibutan mga mahal kong kapatid? Sa lokal nyo, distrito nyo, meron naman tayong mga kapatid na tulad ng hinahanap nyo.  Meron din sa ibang Bansa, ibang bayan, ibang lungsod. Nakakalat na ang Iglesia, kung kaya naman madali kang makakahanap ng iyong katipan.

25 comments:

  1. bakit po ang nanay ko iglesia at tatay ko katoliko pero naging sila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hays sana sagutin ang tanong na ito. Ibig sabihin ba nagkasala na ang kanyang ina?

      Delete
    2. Hindi po magiging labag yun KUNG hindi sya bautisado sa pagiging iglesia BAGO pa naging sila. Pero labag po yun kapag iglesia na ang nanay mo bago pa maging sila

      Delete
    3. Ibig sabihin po ba nito, kahit Iglesia, nakadepende pa rin po kung baptised or hindi? Ibig sabihin po, may hindi baptized na Iglesia?

      Delete
    4. It's either tiwalag mama mo or baba sya sa tungkulin

      Delete
  2. Hindi po magiging labag yun KUNG hindi sya bautisado sa pagiging iglesia BAGO pa naging sila. Pero labag po yun kapag iglesia na ang nanay mo bago pa maging sila.

    ReplyDelete
  3. 12Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang di mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan. 13Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang di sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. 14Sapagkat ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap din sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito ay katanggap-tanggap sa Diyos. 15Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kaniyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay malaya na sapagkat tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. 16Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa?
    Magpatuloy sa Dating Kalagayan sa Buhay
    17Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, at magpatuloy sa dati niyang kalagayan noong siya'y tawagin ng Diyos. Ito ang itinuturo ko sa lahat ng iglesya. 18Kung ang isang lalaki ay tuli na nang siya'y tawagin ng Diyos, huwag na niyang alisin ang mga palatandaan ng kanyang pagiging tuli. At kung hindi naman tuli nang siya'y tawagin, huwag na siyang mag-asam na magpatuli pa. 19Hindi mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi; subalit ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos. 20Manatili ang bawat isa sa katutubong kalagayan niya sa buhay nang siya'y tawagin ng Diyos. 21Ikaw ba'y isang alipin nang tawagin ka ng Diyos? Huwag mong intindihin iyon. Ngunit kung may pagkakataon kang maging isang malaya, samantalahin mo. 22Ang isang alipin noong tawagin ng Panginoon ay malaya na dahil sa Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya'y tawagin ni Cristo ay naging alipin ni Cristo. 23Malaking halaga ang ipinantubos sa inyo ng Diyos; huwag kayong paaalipin sa mga tao. 24Mga kapatid, anuman ang kalagayan ninyo sa buhay nang kayo'y tawagin, manatili kayo sa gayong pakikiisa sa Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anung salin ng biblia po itong pinagkuhaban pede ko po b matanung?

      Delete
  4. 12Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang di mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan. 13Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang di sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. 14Sapagkat ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap din sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito ay katanggap-tanggap sa Diyos. 15Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kaniyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay malaya na sapagkat tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. 16Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa?
    Magpatuloy sa Dating Kalagayan sa Buhay
    17Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, at magpatuloy sa dati niyang kalagayan noong siya'y tawagin ng Diyos. Ito ang itinuturo ko sa lahat ng iglesya. 18Kung ang isang lalaki ay tuli na nang siya'y tawagin ng Diyos, huwag na niyang alisin ang mga palatandaan ng kanyang pagiging tuli. At kung hindi naman tuli nang siya'y tawagin, huwag na siyang mag-asam na magpatuli pa. 19Hindi mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi; subalit ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos. 20Manatili ang bawat isa sa katutubong kalagayan niya sa buhay nang siya'y tawagin ng Diyos. 21Ikaw ba'y isang alipin nang tawagin ka ng Diyos? Huwag mong intindihin iyon. Ngunit kung may pagkakataon kang maging isang malaya, samantalahin mo. 22Ang isang alipin noong tawagin ng Panginoon ay malaya na dahil sa Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya'y tawagin ni Cristo ay naging alipin ni Cristo. 23Malaking halaga ang ipinantubos sa inyo ng Diyos; huwag kayong paaalipin sa mga tao. 24Mga kapatid, anuman ang kalagayan ninyo sa buhay nang kayo'y tawagin, manatili kayo sa gayong pakikiisa sa Diyos.

    ReplyDelete
  5. Bakit po bawal makipag tipan ang binhi anong talata po

    ReplyDelete
  6. Bakit maraming tao ang hindi maniwala sa Duktrina mg iglesia ni Cristo at puedi ba tawaging alipin ang mga membro ng inc

    ReplyDelete
  7. 2 Cor. 6:14-17

    The Temple of the Living God
    14 Do not be unequally yoked with unbelievers. For what partnership has righteousness with lawlessness? Or what fellowship has light with darkness? 15 What accord has Christ with Belial?[b] Or what portion does a believer share with an unbeliever? 16 What agreement has the temple of God with idols? For we are the temple of the living God; as God said,

    “I will make my dwelling among them and walk among them,
    and I will be their God,
    and they shall be my people.
    17 Therefore go out from their midst,
    and be separate from them, says the Lord,
    and touch no unclean thing;
    then I will welcome you,
    18 and I will be a father to you,
    and you shall be sons and daughters to me,
    says the Lord Almighty.”

    ReplyDelete
    Replies
    1. According to this PLAIN text from the bible, Verse 14 to 16 gave examples of opposites. In general, it talks about believer and non-believers. But, there's no mention of religion. It is only to those who believes, speaking as an agnostic myself.

      For God said from verses 17-18 that He will become the God of the believers.

      This is simple and CLEAR. No other interpretation.

      Delete
  8. DEUTERONOMIO 7

    Ang Bayang Hinirang ni Yahweh
    (Exo. 34:11-16)
    1“Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pitong bansang nauna sa inyo roon—Heteo, Gergeseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo—mga bansang mas malakas at mas makapangyarihan kaysa inyo, 2at kapag sila'y ipinaubaya na ni Yahweh sa inyo, lipulin ninyo silang lahat. Huwag ninyo silang kaaawaan at huwag kayong gagawa ng kasunduan sa kanila. 3Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong mga anak ang kanilang mga anak 4sapagkat tiyak na ilalayo nila ang inyong mga anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Kapag nagkaganoon, magagalit sa inyo si Yahweh at kayo'y kanyang lilipulin agad. 5Kaya nga, gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, durugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at sunugin ang mga diyus-diyosan. 6Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
    7“Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. 8Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 9Kaya't pakatatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi. 10Subalit nililipol niya ang lahat ng namumuhi sa kanya; hindi makakaligtas sa kanyang parusa ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya. 11Kaya, sundin ninyo ang kautusan at mga tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makikita rito na ang Heteo, Gergeseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo ang pitong bansang tinutukoy. Kung saan sa verse 5 ay binanggit ang salitang ASHERA na isang diyus-diyosan. Maliwanag na ito'y binanggit.

      7“Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat.

      Take NOTE na and pinili ay siyang pinakakaunti sa lahat. At hindi natin alam ang bansang ito.

      Delete
  9. Paano po kung mas na una naging kayo bago siya naging INC?

    ReplyDelete
  10. Anung salin ng biblia po itong pinagkuhaban pede ko po b matanung?

    ReplyDelete
  11. Pwede po ba maki pag relasyon ang isang katoliko sa isang INC?

    ReplyDelete
  12. Ask lang po pwede po ba mag fellowship ang mga katoliko parehong diyos ang sinasamba ng fellowship at ng katoliko

    ReplyDelete
  13. Ask ko lang po paano kung ang lalaki ay nasa proseso na ng doktrina at yung babae ay hindi.
    Maaari ba matiwalag ang lalaki habang nasa relasyon sila bago pa magdoktrina ang lalaki?

    ReplyDelete
  14. Hindi porket hindi INC e hindi na din nananampalataya,malinaw naman ang sabe sa mga verse na binigay niyo na wag makipag asawa or makipagrelasyon sa hndi NANANAMPALATAYA dahil hihilain ka palayo sa DIYOS,tama naman.Pero kung ant turo niyo ay ganyan sana mapatawad kayo ng Panginoon sa turo niyony baliko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibigsabihin po ba pede makipagrelasyon ang babaeng INC sa lalaking hindi basta po papayag ang lalaki na maging INC? or papayag po mabautismuhan?

      Delete