Pages

Friday, June 21, 2013

BORN AGAIN

            Sa panahon ngayon, dumadami na ang mga grupo, samahan at mga relihiyon na nag-sasabing sila ang maliligtas. Merong nagsasabi na, sumampalataya ka lang kay Jesu-Cristo ika’y ligtas na, tanggapin mo si Cristo “as your personal saviour” ligtas ka na. Hindi mo kaylangan umanib sa isang relihiyon para ika’y maligtas at masabing ikaw ay Cristiano. Meron din naman grupo na nagsasabing, “must be BORN AGAIN” o sa tagalog ay ipanganak-muli. Sila ay kilala sa tawag na Born-Again Christians.
            Pag-aralan nating mabuti kung anu ba talaga ang ibig-sabihin ng BORN AGAIN at paano ito maliligtas.

                “Now there was a man of the Pharisees named Nicodemus, … ‘I tell you the truth, no one can see the kingdom of God unless he is BORN AGAIN’ .” (John 3:1-3, New International Version)
               
-----Malinaw na mababasa na kailangan nga na BORN AGAIN ka, pero, naintindihan ba ito ni Nicodemus? Ituloy ang basa sa  4-5.

                “’How can a man be born when he is old?’ Nicodemus asked… ‘I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is born of water and the Spirit’.” (John 3:4-5, Ibid)

-----Anu ang sabi ni Cristo ukol sa salitang BORN AGAIN? Dapat ay sa TUBIG AT ESPIRITU. Ano kaya itong TUBIG na ito na tinutukoy na Cristo? Basa ulit tayo

“Jesus answered, ‘Everyone who drinks this water will be thirsty again, … Indeed, the water I give him will become in him a spring of water welling up to eternal life.” (John 4:13-14, Ibid.)

-----Hindi ito ang literal na tubig. Kung hindi literal, e anu tong tubig na magbibigay ng buhay na walang hanggan matapos masabing sya ay isa ng gananap na BORN AGAIN?

“For you have been BORN AGAIN, not of perishable seed, but of imperishable, through the living and enduring word of God.” (I Pet. 1:23, Ibid.)

-----Eto pala ang sinasabi ni Cristo na sa TUBIG, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa tubig lang ba? Hindi, kundi sa Espiritu Santo din,  Sinu ba ito na Espiritu Santo  na sya din kaylangan upang maging GANAP na BORN AGAIN?

                “God is spirit, and his worshipers must worship in spirit and in truth.” (John 4:24, Ibid.)

-----Hindi lang pala dapat sa salita ng Diyos, kundi sa Diyos din mismo, at dapat sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.


Sapat na ba ang pagiging BORN AGAIN sa pamamagitan ng pagsampalatay sa ating Panginoong Diyos at sa Kanyang Salita?

          “Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; old things have passed away; behold, all things have become new.” (II Cor. 5:17, New King James Version)

-----Meron ba? Meron po,  kung sinu man ang na kay Cristo, sya ay BAGO.  Ang sabi din sa talata ay yung mga tao na kay CRISTO, Sinu ba tong mga na kay Cristo na ito?

“For He Himself is our peace, who has made both one, and has broken down the middle wall of separation… so as to create in Himself one new man from the two, thus making peace.” (Eph. 2:14-15, Ibid.)

-----Ang mga tunay na BORN AGAIN ay yung mga tao na bahagi ng ISANG TAONG BAGO na binubuo ng dalawang sangkap. Anu itong dalwang sangkapa na to kung saan sya ay isang tunay na BORN AGAIN o isang TAONG BAGO?

“And He is the Head of the body, the church.” (Col. 1:18, Ibid.)

-----kung gayon ang dalawang sangkap na bumubuo sa isang taong bago si Cristo na syang ULO at IGLESIA ang  KATAWAN. Anung Iglesia ba ang namumuno ay si Cristo? O si Cristo ang Ulo?

“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.” (Acts 20:28, Lamsa Translation)

---Samakatwid, ang isang tunay na BORN AGAIN Christian ay sumailalim na sa proseso ng pagiging kaanib o miyembro ng Iglesia. Kung gayon, sila ay naidagdag bilang bahagi ng isang bagong tao ay binubuo ng isang ulo at katawan. Ang mga ito ay sa katawan ni Cristo o Iglesia ni Cristo.

*Sapat na ba na maging kaanib lamang tayo sa Iglesia Ni Cristo?

-----Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, lahat ng lumang bagay ay mawawala oh mabubura
“…old things have passed away…”(II Cor. 5:17, New King James Version)

-----Dapat ang magaing pamumuhay ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo, na isang taong bago, ay gaya nito:

Throw off your old evil nature and your former way of life, which is rotten through and through, full of lust and deception. Instead, there must be a spiritual renewal of your thoughts and attitudes.” (Eph. 4:22-23, New Living Translation)

              
Kung gayon, hindi naman pala sapat ang sabihing tayo ay isang BORN AGAIN para sabihing tiyak na ang kaligtasan o makikita mo na ang kaharian ng Diyos. Ang tinutukoy na pagiging isang tunay na BORN AGAIN ay ang sa pamamagitan ng sa TUBIG at sa ESPIRITU SANTO.

May itinuro din ang mga Apostol upang maging isang taong BAGO o GANAP, ito ay kung ang isang tao ay nasa loob o kaanib na nang Iglesia Ni Cristo na tinubos ng dugo ni Cristo.
Ang pagiging BORN AGAIN pala ay hindi maliligtas bakit? Ang sabi ni Cristo itatayo nya angkanyang Iglesia na binili nya ng kanyang Dugo. Basa sa Matt 16:18.

Saturday, June 1, 2013

Bakit bawal makipag-TIPAN sa hindi INC?

Bawal ba talaga?

            Marami ang nagtatanong kung bakit daw ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) ay pinag-babawalan ng kanilang pamamahala na makipag-relasyon at makipag-tipan sa hindi nila kapanampalataya. Pati ba naman daw sa pag-aasawa ay masyadong nag-hihigpit ang INC, wala na daw kalayaan ang mga kaanib sa loob nito. Nakatala ba ito sa Biblia?
            Bloc voting, kinu-question nyo, pati ba naman ang pakikipag-tipan? Well, lahat po ng utos, tagubilin aral sa loob ng INC ay galing sa Biblia. Nakabatay ang doktrina nito sa Biblia.Pag-aralan natin kung naayon nga sa Banal na Kasulatan ang hindi pakikipag-tipan sa hindi kapanampalataya.

14Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maari bang magsama ang katwiran at ang kalikuan? O kaya’a ang liwanag at kadiliman? 15 Maari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalatay sa di sumasampalaya?”  2 Cor. 6:14-15

Huwag makipag-isa sa mga di sumasampalataya, eh panu kung sumasampalataya naman yung mga hindi kaanib? Parehas lang ba ang ating mga sinasampalatayanan?

 “1Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pitong bansang sa inyo roon… 3Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong anak ang kanilang mga anak  4 sapagkat ilalayo nila ang inyong anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Kapag nagkaganoon, magagalit sa inyo si Yahweh, at kayoy kanyan lilipulin agad.

Malinaw po, ipinagbabawal talaga n gating panginoong Diyos ang pakikipag-relasyon at pakikipag-tipan sa hindi kaanib dahil ang sabi sa 4 sapagkat ilalayo nila ang inyong anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Ilalayo sa Diyos at pasasambahin sa mga diyus-diyosan.


At bakit pa maghahanap ng taga-sanlibutan mga mahal kong kapatid? Sa lokal nyo, distrito nyo, meron naman tayong mga kapatid na tulad ng hinahanap nyo.  Meron din sa ibang Bansa, ibang bayan, ibang lungsod. Nakakalat na ang Iglesia, kung kaya naman madali kang makakahanap ng iyong katipan.