Pages

Saturday, April 6, 2013

Mag-patuloy sa kabila ng matinding PAG-UUSIG


     Kapatid, naranasan mo na ba ang mausig? isa kang mag-aaral na inuusig ng iyong guro, isang trabahador o nag-o-opisina na inuusig ng boss mo, isang Anak na inuusig ng kanyang mga kamag-anak, lalo na ng kanyang magulang sa kadahilanang ndi mo sila kapanampalataya.
     Marami sa ating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) ay may mga pag-subok sa buhay, may mga pag-uusig sa ating landas, may kahirapan na dinadanas, at may mga sakit na kailangan ng lunas. Marami ang kontra sa ating pananampalataya, may mga tutol sa doktrina sa loob ng ating kapatiran, may mga naninira sa ating pamamahala, may mga tao na gustong ibagsak ang Iglesia sa di malaman na kadahilanan.
     Ako ay isang 3rd year Computer Engineering Student sa isang Unibersidad na pinapatakbo ng isang relihiyon. Hindi maiiwasan na may mga asignaturang itinuturo dito, isa na rito ang CE (Christian Education) na kung saan ay itinuturo nila ang knilang paniniwala, ang hindi lang kaaya-aya ay ang pag-kagalit/inis nila sa ibang mga relihiyon lalo na sa ating mga INC. Yun bang itinuturo nila na mali daw ang turo sa loob ng ating kinabibilangan na relihiyon, na tayo lang ang naiiba sa lahat. Isa ito sa pag-uusig na dinanas ko, yun bang galit na galit kna ayaw mo lang mag-salita at sumagot bka ibagsak ka, kung kaya naman ang gagawin mo nlng ay manahimik at manalangin na sana matapos na agad ung Subject na un.
     Isa pang pag-subok ay ang pag-uusig sayo ng iyong mga kakilala at kaibigan. Ang lokal namin ay may katabi na RC (Roman Catholic) Church. Yun bang habang dumadaan ka sa simbahan ay andyan ung mga tao na hindi maiwasan ang pag-paparinig at pag-papatama. Yun bang sasbihin na "Si Oscar un a, sasamba na naman sa demonyo", wala akong magawa kundi mag-patuloy sa pag-lalakad. Mas mabuti kasi na maging tahimik ka nlng at pag-isipan kung anu ang dapat na gagawin.
     Ngayon ay laganap na din sa iba't ibang social networking site gaya ng facebook ang mga PAGE na kung saan ay naninira sa ating pananampalataya, may mga grupo na hindi humihinto sa kasamaan at maling turo na inihahayag nila. Ang ipinag-tataka ko lang ay kung bakit HALOS LAHAT NG RELiHiYON SA MUNDO AY KONTRA SA IGLESIA NI CRISTO para bang 10 VS 1 or 100 VS 1. Sabagay, naituro naman na sa bawat isa sa atin ng ang lahat ng ito ay mangyayari. Kung may Anti-INC group, mawawala ba ang mga kapatid natin na nag-de-defend sa atin? Ako ay miyembro sa 4 na grupo tumutulong sa mga kapatid na inuusig. Sa kagustuhan ko din na tumulong, gaya ni Bro. Read Me, gumawa din ako ng sarili kong blog (thedoctrines.blogspot.com).
     Pinakamhirap na pag-uusig ay ang usigin ka ng sarili mong mga magulang at kamag-anak na kung saan ay kabi-kabila ang knilang paninira sa iyong relihiyon. May time na sumasagot ka na, hindi dahil sa wala kang galang, kundi ay,dini-defend mo lang ang Iglesia. Nanjan ang time na sasabihin sayo, wag kna sumamba, nkaka-antok, wag kna dumalo sa panata, wala kang mapapala, wag kna dumalo sa mga aktibidad, sayang lang oras mo jan, galit pa! Bilang isang anak, naiintindihan ko sila dahil ndi naman nila alam ang doktrina sa loob ng Iglesia na:

Hebreo 13:17
     “Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, at pasakop kayo sa kanilang pamamahala. Sila ang mangangalaga sa inyo at mananagot sa paglilingkod na ito. Sundin ninyo sila upang maging kagalakan at hindi pabigat ang paglilingkod na ginagawa nila; ito'y sa ikabubuti rin ninyo.
-----
    Ang tanging maipapayo ko lang sa ating mga kapatid na nakakaranas ng iba't-ibang pag-subok sa buhay ay "Mag-patuloy sa kabila ng matinding PAG-UUSIG".

Isaias 41:10
      Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

     Huwag tayong panghinaan ng loob sa mga dumadating sa atin na mga pag-subok, May Diyos tayo na malalapitan, palalaksin nya tayo,tutulungan at aalalayan sa lahat ng bagay,
-----
2 Corinto 12:10
   Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiisSapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.

   Ito nawa'y maging tulong sa bawat isa,sa mga nanghihina at nanlalamig na mga kapatid sa buong mundo. Nakatulong sana ako na pasiglahin ang inyong pananampalataya at mag-patuloy sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

written by Oskie

4 comments:

  1. Kuya. Salamat sa post na 'to. Sa totoo lang ay nakakapanggalaiti kasi minsang makita 'yung mga tao na nakukuntento na lang sa mga naririnig/nababasa/nakikitang paninirang-puri sa ating mga Iglesia. 'Di ba maraming poser ngayon na talagang nagsisipag sa pagpapangit ng imahe ng Iglesia sa maraming tao? At 'yun namang mga nakababasa e hindi na talaga inaalam ang totoo.

    Salamat muli. :)

    ReplyDelete
  2. Mga kapatid, Ang pag uusig ay bahagi na ng buhay natin mula ng tawagin tayo sa Iglesia. Ako ay 37 years old na at nabautismuhan sa Pilipinas noong ako ay 12 years old pa lang. Hindi ko malimutan na mula pa nung ako ay nasa PNK pa lang kaliwat kanan na ang paguusig sa akin. Number one na umuusig sa akin ay ang nanay ko kasama ng buong angkan. Hanggang ngayon, ako lang ang nagpapatuloy sa paglilingkod at sila rin naman patuloy na umuusig sa akin. Totoo, na habang inuusig ako, lalo akong sumisigla.

    ReplyDelete
  3. Magandang pampatibay ng pananampalataya.sa daming nang uusig ngayon sa iglesia dpat manatili tayo hanggang sa wakas.

    ReplyDelete