Pages

Friday, November 30, 2012

Isang daang pagpupunyagi

SPECIAL REPORTS | CHEN SARIGUMBA

Ilang relihiyon na ang mayroon ang Pilipinas. Halos lahat ng mga pinuno nito ay kilalang-kilala na­ting mga Pilipino. Marahil ay iba-iba ang kanilang pinaniniwalaan at paraan ng panghihikayat ng tao upang umanib sa kanilang relihiyong pinamumunuan. Mayroong mga relihiyon na dinala rito ng ibang lahi upang ipakilala sa atin. Ang iba naman ay kapwa Pilipino ang nakadiskub­re. Isa nga sa mga relihiyong tunay na umiingay hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo ay ang Iglesia ni Cristo (Church of Christ).

ANG PINAGMULAN

Nang magsimula ang Iglesia ni Cristo sa pa­ngunguna ni Ka Felix Y. Manalo na tinatawag nilang sugo at naging unang tagapamahalang pangkalahatan, ay labing apat (14 ) lamang ang miyembro nito at kapwa mahihirap. Tunay na nagsisimula sa ilan ang mga relihiyon at ang tanong sa dulo ay kung sino ang makapagpapatunay ng kanilang katatagan. Alin nga ba sa kanila ang may kakayahang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan at panindigan ito hanggang sa huling hibla ng kanyang buhay? Sa haba ng panahong nagdaan ay masasabi mong napatunayan na iyon ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo at maging ng namamahala sa kanila. Kapatid ang turingan ng bawat miyembro nito. Narehistro ang Iglesia ni Cristo o INC sa Pilipinas noong July 27, 1914. Ang mga aral na ibinabahagi nito ay ang mga salita ng Diyos na nagmula sa bibliya. 

MGA NAGING SULIRANIN

Maraming mga bumatikos sa Iglesia ni Cristo nang una itong ipakilala ng sugo na si Felix Manalo. Tinawag pa ito ng ilan na “Iglesia ni Manalo” sapagkat siya lang umano ang nagtatag nito at naghahanap lamang siya ng tagasunod. Ang ilan naman ay sinasabing nagnenegosyo lamang umano ito kaya nagtayo ng relihiyon. 

Sa kabila ng hindi magagandang komentaryo, hindi nagpatinag ang sugo at ipinagpatuloy ang kanyang sinimulan. Naroon sa kanyang puso na ipalaganap ang mga aral na kanyang nabasa sa bibliya. Hindi niya hinayaang makapasok sa kanyang puso ang sinasabi ng ilan at maging ang paninira ng mga ito, sapagkat, magiging dahilan lamang ito ng paghina ng kanyang kalooban.

PANAHON NG PAGBABAGO

Ang sumunod na tagapamahalang pang­kalahatan ay si Ka Eraño Manalo mula noong taong 1963 hanggang 2009. Mula noon hanggang sa ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin nila ang nasimulan at lalo pa itong tumatatag. Hindi na lamang sa Pilipinas mayroong miyembro ang Iglesia, kung hindi maging sa ibang bansa ay mayroon na ring mga sambahan at local na naipatayo. Ang Iglesia ay lumawig na sa halos isang daang bansa at teritoryo. Mula sa labing apat, ngayon ay halos umabot na ito ng ilang milyon. Ang kasalukuyang tagapamahalang pangkalahatan nito ay si Eduardo Manalo.

ANG PAGLAGANAP

Sa tatlong taong pamumuno lamang ni Ka Eduardo Manalo ay nakapagpatayo sila ng animnapu’t limang (65) lokal, dalawampung (20) ekstensiyon at limangpu’t pitong GWP o Group Worship Service units na iniha­handa upang maging ekstensiyon at local sa paglipas ng panahon. Unti-unti nang dumarami ang mi­yembro nito at isa na sa pinakamalaking relihiyon hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo. Ipinagpapasalamat nila sa Ama ang mga natatamo nilang tagumpay. 

Nakapagpatayo na rin sila ng mga bagong malalaking sambahan sa labas ng bansa kabilang na nga rito ay ang mga bagong distrito sa Northeast Asia noong ika-31 ng Agosto 2010, Southeast Asia noong Hul­yo 28, 2011, Eastern Canada at Western Ca­nada noong Hunyo 16, 2011, Qatar, United Arab Emirates at sa United Kingdom noong ika-9 ng Hulyo 2012. 

Hindi pa kabilang rito ang mga naitayong halos limang libong sambahan sa loob ng Pilipinas. Pagpapatunay lamang ito ng pagpupunyagi ng kasalukuyang namumuno.

KAAKIBAT NG TUNGKULIN

Bilang tagapamahalang pangkalahatan kailangan mong maging karespe-respeto sa harap ng mga tao. Kailangang may talento kang hikayatin sila upang makinig sa iyo sa ilang oras na pagpapara­ting mo ng aral. Nilibot niya na rin ang ibayong dagat upang siyasatin ang kanyang mga nasasakupan. Inalam niya ang kalagayan ng mga ito at kung ano pa ang mga pangangaila­ngan na kaila­ngang maibigay. 

Hindi niya lamang tungkulin ang maghatid ng mga salita ng Diyos na nakasulat mula sa bibliya, tungkulin niya ring ala­gaan at alamin ang pinagdaraanan ng mil­yon-milyong mi­yembro nito. 

Kinakailangan niyang panatilihing nasa kaayusan ang lahat. 

Hindi biro ang magkaroon ng ganitong obligasyon ngunit para sa mga nagmamahal sa ganitong uri ng gawain ay kaligayahan na nila ang magampanan ang tungkuling iniatang sa kanila. 

MGA PAGHAHANDA

Ngayong darating na July 27, 2014 ay ang magiging ika-isandaang anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo. Inaasahan ang isang mala­king selebrasyon sa pagiging matatag at buo ng kapatiran. Isa sa pinakamala­king proyekto ni Ka Eduardo Manalo ay ang arena na may 75 ektarya ang laki sa Bulacan. Kaya itong umokupa ng halos 50,000 katao. Inaasahang dito nila gaganapin ang isa sa pinakamahalagang bahagi o taon ng kanilang pagiging kaanib sa Iglesia ni Cristo. Isa rin sa malala­king proyektong pinaghahandaan nila ay ang EVM Convention Center sa Quezon City at ang NEU Stadium at ang Sports Complex sa Bulacan. Sa lugar na tinatawag na Ciudad de Victoria ay magtatayo ng EGM Memorial Hospital at NEU college of Nursing. Ang isa sa pinakamakabuluhang proyekto ng Iglesia ni Cristo ay ang pagpapatayo ng bagong College of Evangelical Ministry, na ‘di hamak na mas malaki ng tatlong palapag at mas malawak ito kaysa sa nauna. Inihahanda ito para sa mga bagong mag-aaral ng pagmiministro na tunay na hindi maiikubling dumarami na ang bilang. Pagpapatunay lamang ito ng isang tagumpay. 

Ang pagpapaha­laga sa mga taong nasa pali­gid mo, mga nagmamahal sa ‘yo at tumutulong sa iyo ay ang nagi­ging susi upang makamit mo ang tagumpay na iyong inaasam. Ingatan mo silang tulad ng isa sa pinakamahala­gang bagay na hawak mo, upang ma­ging ang kanilang katapatan ay ma­pa­sa­iyo.

source :http://www.pilipinomirror.com.ph

No comments:

Post a Comment