Pages

Saturday, March 23, 2013

Ang tunay na Kahulugan ng Banal na Hapunan ( Ang Banal na Hapunan part1)

'' Dumampot siya ng tinapay at matapos magpasalamat sa Dios, ibinigay ito sa kanila,' , na sinasabi, 'Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin'.

'' Sa gayon ding paraan, matapos maghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi, 'Ang sarong ito ang bagong tipan sa aking dugo, na mabubuhos dahil sa inyo'.''

Lucas 22:19-20 (New Pilipino Version)

Ang banal na Hapunan na ginawa ng mga Apostol at itinatag ni Cristo ay isang pag-alaala kay Cristo bago siya'y mamamatay. Ang tinapay ay lumalarawan sa katawan ng ating Panginoong Jesucristo, datapuwa't ang katas ng ubas naman ay lumalarawan sa Dugo ng ating Panginoong Jesucristo na nabuhos sa bundok ng kalbaryo. Subalit marami din sa panahon natin ang nagsasagawa nito. Kahit ang mga pangkatin ng protestante ay nagsasagawa nito, maging ang Simbahang katolika ay nagsasagawa nito sa lahat ng oras, sa lahat ng dako. Subalit tama kaya ang batayan ng pagsasagawa nila nito? Anung uri ng pagbabanal na hapunan ang hinahanap ni Cristo sa mga tunay niyang alagad? yan ang ating susuriin at liliwanagin.

Ang Pagsasagawa ng banal na Hapunan

Nang itatag ni Cristo ang banal na hapunan merong mga panuntunan na iniutos ni Cristo upang ganap na maisagawa ang marapat na pagbabanal na hapunan. Anu ba ang panuntunang ginawa ni Cristo ukol sa pagsasagawa ng Banal na Hapunan?
Lucas 22:19-20 (New Pilipino Version)
'' Dumampot siya ng tinapay at matapos magpasalamat sa Dios, ibinigay ito sa kanila, ', na sinasabi, 'Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin'.



'' Sa gayon ding paraan, matapos maghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi, ' Ang sarong ito ang bagong tipan sa aking dugo, na mabubuhos dahil sa inyo'.''

Ang mga panuntunan ay itinuro ni Cristo sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na siyang lumalarawan sa kaniyang katawan, at ang pag-inum sa saro ng katas ng ubas na siya namang lumalarawan sa kaniyan dugo. Samakatuwid ang dalawang ito ang pangunahing panuntunan na iniutos ni Cristo na dapat nating gawin sa pagbabanal na hapunan.

1. Pagkain sa tinapay- Katawan ni Cristo
2. Pag-inum sa saro ng katas ng ubas- Dugo ni Cristo
                                                                            
                       
                     isang ilustrasyon sa pagbabanal na hapunan ni Cristo at ng mga Apostol

Utos na gawin ito ng lahat ng Kristyano

Ang isa sa mga ikinakatuwiran nang ibang relihiyon na hindi nagsasagawa ng banal na hapunan ay ganito: '' Ang inuutusan lang naman daw na magsagawa nyan ay ang mga Apostol sapagkat sila lang ang Kausap ni Cristo ng isagawa nila ito at hindi daw ang buong iglesia'' Tama kaya ang pangangatuwiran na ito? Tanungin natin si Apostol Pablo kung para kanino
 ba talaga ang pagsasagawa ng banal na hapunan? 
 1 Corinto 11:23-25 (magandang balita biblia)
Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin."



Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." 

Ayon kay Apostol Pablo' ang aral na tinaggap niya sa Panginoon ang siyang tinutupad nila noon. Hindi sila umimbento ng iba pa o ng sariling pamamaraan sa paggunita o pag-aalaala sa ating Panginoong Jesucristo. Kaya ang utos ng pagbabanal na hapunan ay hindi lamang tuwirang iniutos sa mga Apostol kundi sa buong Iglesia.

Ang kahulugan ng Banal na Hapunan

Ang pagsasagawa ng banal na Hapunan ay pakikibahagi ng Iglesia sa dugo at katawan ng Panginoong Jesucristo. Ang pag-inom ng katas ng ubas ay pakikibahagi sa kaniyang dugo at pagkain naman ng tinapay ay pakikibahagi sa kaniyang katawan. Ganito ang kabuuan ng pangungusap ni Apostol Pablo:
1 Corinto 10:16-17 (Ibid)

Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?



Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo tayo sa iisang tinapay.


Iisang saro at iisang tinapay ang ginamit nang isagawa ang unang banal na Hapunan. Bawat nakibahagi roon ay kumuha at kumain mula sa iisang tinapay na pinagpira-piraso. Umiinom din silang lahat ng kanilang bahagi sa katas ng ubas.
Mateo 26:26-29

At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. 

At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

Ito mismo ang tinutupad ng Iglesia ni Cristo. Sa kabilang dako, kung hindi ganito ang paraan ng paggunita kay Cristo ay hindi maituturing na Banal na Hapunan. Kaya, kung may nagsasagawa diumano ng Banal na Hapunan ngunit hindi naman mula sa iisang tinapay ang tinanggap o kaya'y hindi pinainom ang lahat ng kumain ng tinapay ay hindi iyon tunay na Banal na Hapunan. Sa gayong paraan ay hindi naisagawa ang marapat na pag-aalaala sa ating panginoong Jesucristo.

Ang pagbabagong-buhay

ang sasalo sa dulang nang Panginoon o tatanggap ng banal na hapunan ay dapat na maghanda ng sarili bago ito isagawa. Ang pagtanggap nito nang hindi nakahanda ay ipagkakasala:
1 Corinto 11:27 (magandang balita biblia)

Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon

Ang pagkain at pag-inom sa banal na hapunan at mahalaga. Ang wastong pagtanggap nito ay ikapagpapatawad ng kasalanan sapagkat ito ang layunin ng pagtatatag ng banal na hapunan.
Mateo 26:26-28
At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. 

At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, saikapagpapatawad ng mga kasalanan.


Sa kabilang dako, ang hindi wastong pagtanggap nito,gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, ay ipagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya dapat munang ihanda o igayak ng tatanggap ng banal na hapunan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglayo sa kasalanan. Ang lumalayo sa kasalanan ay hindi napaalipin dito. Itinuturo ni Apostol Pablo kung bakit hindi na dapat maging alipin pa ng kasalanan ang mga lingkod ng Diyos:
Roma 6:6

 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya,upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.


Ayon kay Apostol Pablo, ang dating pagkatao ng mga tunay na Cristiano ay napakong kasama ni Cristo at namatay na ang makasalanang katawan. Pananagutan ng tatanggap ng banal na Hapunan, kung gayon, ang ganap na pagbabagong-buhay. Kaya, bago tanggapin ang banal na Hapunan ay dapat siyasatin o suriin ng isang, kaanib ang kaniyang sarili kung siya'y alipin pa ng kasalanan o tunay nang maya rito.
1 Corinto 11:28

Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.


Ang nabubuhay sa kasalanan at ayaw pa ring magbago ay alipin ng kasalanan. Ang gayon ay kumakain at umiinom sa banal na hapunan nang hindi nararapat, kung kaya't sa halip na tumanggap ng biyaya at maging banal ay nagkakasala. Ang mga Cristiano ay inuutusang iwan ang dating masamang pamumuhay at magbago ng diwa at pag-iisip-isip - isang pagbabago na ayon sa katuwiran at kabanalan.
Efeso 4:22-24

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; 

At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Dahil dito, ganito ang tagubilin ni Apostol Pablo:
2 Corinto 13:5 (magandang balita biblia)

Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga bigo sa pagsubok. 



Kaya maliwanag na ang pagbabanal na hapunan ay isang  sagradong okasyong itinatag ni Cristo upang gunitain ang kaniyang pagsasakripisyo at ang pagkakabuhos ng kaniyang dugo sa bundok ng kalbaryo. Ayon sa biblia ay kailangang magbagong buhay at suriing maiigi ng taong tatanggap nito ang kaniyang pamumuhay, kung siya ba ay nararapat o hindi sapagkat ang kumain at uminum nito na hindi sinusuri ng maiigi ang kaniyang sarili ay tumatanggap ng hatol sa kaniyang sarili. Ang pagbabagong buhay ang itinuturo ng biblia na pinaka mabisang paraan upang biyaya ang tanggapin ng taong tatanggap sa banal na hapunan. Anu mang uri nang banal na hapunan na nagsasagawa nito na hindi alin sunod sa iniutos ni Cristo at ng mga Apostol ay hindi tunay na pagbabanal na hapunan.

-itutuloy